"UP!"
Sigaw ni Alyssa para sana marinig ng nakasakay sa elevator na sasakay siya pero parang sinadya pa nitong pindutin ang close para hindi niya na abutan. Pero dahil nagmamadali si alyssa ay tinakbo niya ang pintuan at hinarang ang kamay niya para hindi ito magsara.
"Whew umabot."
Sabi niya habang naghahabol ng hininga. Pipindutin niya na sana ang 24 dahil dun ang floor nila pero nakapindot na ito.
Lumingon si Alyssa para sana pagsabihan ang nakasakay sa elevator na parang nananadyang hindi siya makasakay pero hindi siya nakapagsalita nang makita kung sino ito.
Si Dennise.
.
.
.
Umiiyak.Alyssa: "Dennise? Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?"
Dennise: "W-wala. Okay l-lang ako."
Ibinaba ni Alyssa ang pinamili at lumapit kay Dennise. Hinawakan niya ito sa pisngi at sa baba para maiharap sa kanya.
Nadurog ang puso niya nang makitang namamaga ang mata nito pero hindi tumitigil ang luha na dumadaloy sa mata nito.
Alyssa: "Sino may gawa nito sa'yo?"
Dennise: "Wala. Wala. Okay lang ako."
Alyssa: "Alam kong hindi. Alam kong hindi."
Naiiyak na din si Alyssa dahil hindi niya kinayang makita na ganoon si Dennise. Niyakap niya ito ng mahigpit.
Humagulgol naman si Dennise sa yakap ni Alyssa. Hindi talaga siya okay. Nanghina na siya nang yakapin siya ni Alyssa kaya naman nailabas niya na ng todo ang sakit sa dibdib niya.
Nang mahimasmasan ay inilayo ni Alyssa ng kaunti ang katawan niya at hinawakan sa magkabilang pisngi si Dennise. Pinunasan niya ang mga luha nito gamit ang thumb niya.
Hinalikan niya ito sa noo.
Alyssa: "Shhhh. Tama na. Wag ka na umiyak ha?"
Tumango lang si Dennise na parang bata.
Alyssa: "Tara tumambay ka muna kasama namin."
Hinawakan ni Alyssa ang kamay ni Dennise sa isang kamay at ang pinamili niya sa kabila.
Nang bumukas ang pinto ay lumabas silang magkahawak pa rin ang kamay. Nagbitiw lang sila nang bubuksan na nila ang pinto.
Gretch: "Kaya naman pala natagalan!"
Kim: "Ayan tayo eh. Nauna landi kaysa kaibigan."
Alyssa: "Pinagsasasabi niyo? Nakasabay ko lang to sa elevator."
Nagbibiro pa ang mga kaibigan ni Alyssa dahil hindi pa nila nakikita ang mukha ni Dennise. Nanatili itong nakayuko.
Marge: "Sus alam na namin yang mga ganyang palusot."
Alyssa: "Manahimik ka nga diyan."
Napansin naman ni Maddie na tahimik si Dennise. Naramdaman niyang parang may mali dito.
Maddie: "Dennise? Okay ka lang?"
Humarap naman si Dennise sa kanila at nagulat silang lahat.
Alyssa: "O ano. Sige daldal pa ha?"
Gretch: "Hala anong nangyari?"
Kim: "Okay ka lang ba?"
Marge: "Sino nagpaiyak sa'yo?"
Gretch: "Turo mo dali sasapakin ko!"
Alyssa: "Asa ka naman. Takot ka nga sa ipis eh."
BINABASA MO ANG
Behind These Walls
Fanfiction"Will you ever get to know the real me behind these walls?" Warning: SPG.