Nagmamaneho na si Alyssa papunta sa convenience store kung saan ang usapan nila ni Rachel na ibabalik niya ang shirt.
Bumaba si Alyssa na nakashorts, v neck tshirt na itim, at nakashades. Napalingon ang mga tao sa paligid nang makita siya.
Girl1: Ang hot!
Gir2: Lalong uminit!
Pumasok na si Alyssa sa loob ng convenience store at nakita niya naman agad ang pakay niya.
Nakasuot si Rachel ng loose shirt at shorts. Nakatali naman ang buhok nito sa likod. May hawak itong bola ng basketball. Kahit na ganoon ang suot nito ay halata mo ang kurba ng kanyang katawan. Hmmm not bad. Sa isip ni Alyssa.
Hinubad ni Alyssa ang shades at ngumiti kay Rachel ng pagkatamis tamis.
Rachel: "Finally! Akala ko di ka sisipot eh."
Alyssa: "Sorry medyo natraffic lang."
Rachel: "Oh. Hindi motor ang dala mo?"
Alyssa: "Ay hindi. Galing akong school eh."
Rachel: "Ahh okay."
Alyssa: "Ito na pala yung shirt mo."
Rachel: "Thanks."
Hindi naman alam ni Rachel kung paano papahabain ang usapan dahil gusto niya pa sanang makasama si Alyssa.
Alyssa: "Thank you sa pagpapahiram."
Rachel: "Wala yun."
Alyssa: "Sige, una na ko?"
Rachel: "Bye. Ingat!"
Alyssa: "Ingat sa basketball."
Tumalikod na si Alyssa at papalabas na sana. Nagsuot na ito ng shades.
Rachel: "Do you wanna play?"
Alyssa: "Ha?"
Hindi naprocess agad ni Alyssa ang sinasabi ni Rachel.
Rachel: "Wanna play with me?"
Alyssa: "Ha?"
Anong play play sinasabi nito? What kind of game? Sa isip ni Alyssa.
Rachel: "Basketball!"
Alyssa: "Ahhh."
Rachel: "What? Were you thinking of something else?"
Alyssa: "Ha? Wala ah."
Namumula si Alyssa sa hiya. Natawa na lang si Rachel.
Rachel: "Tara basketball tayo. Kung sino matalo... may parusa."
Sabi ni Rachel saka kumindat kay Alyssa. Lumabas na ito ng convenience store.
Sumunod naman si Alyssa.
Girl1: "Ay shet. Taken na pala."
Girl2: "Bagay sila!"
Nangiti ngiti na lang si Rachel sa narinig. Ang totoo niyan eh nung makita niya si Alyssa na pumasok sa store nung nakaraan eh natawag na talaga nito ang pansin niya. Kaya naman nung nagkaroon na siya ng chance eh nilapitan niya ito. Kaso natapon yung dala niyang inumin.
Okay na din kasi eto at kasama niya si Alyssa ngayon.
Sumukbit naman siya ng kamay sa braso ni Alyssa. Napatingin lang si Alyssa sa kanya pero hindi naman umangal. Dinala niya na ito sa basketball court sa may condo niya.
BINABASA MO ANG
Behind These Walls
Fanfic"Will you ever get to know the real me behind these walls?" Warning: SPG.