(20) Drunk Dial

16.7K 329 15
                                    

Pagkatapos magshower ni Alyssa ay medyo nahihilo pa din siya. Hindi kasi alam nina Maddie na nagdala pa siya ng isang can sa loob ng banyo. Nakaka-anim na siya. Patay tayo diyan.

Tinawagan naman ni Gretch si Kim para yayain sa condo ni Alyssa gaya ng sabi nito. Pumayag naman ito at papunta na daw.

Madz: "Gretch. Gusto niya na talaga si Dennise ano?"

Gretch: "Ikaw kasi ang bagal mo."

Madz: "Paano ba naman kasi, kapatid-zoned na ko kaya."

Gretch: "Eh di umalis ka diyan."

Madz: "Paano?"

Gretch: "Landiin mo na!"

Madz: "Andun na kasi kami kanina. Kung hindi ka lang epal!"

Gretch: "Bakit mo kasi tinulak!"

Madz: "Nagulat ako. Malay ko ba kung si Dennise yung dumating."

Gretch: "Eh di mas maganda. Para isipin ni Dennise may something sa inyo. Para lumayo din siya kay Alyssa."

Madz: "Akala ko gusto mo si Den para sa kanya?"

Gretch: "Okay naman siya. Pero mas boto naman ako sa'yo."

Madz: "Sus."

Gretch: "Totoo nga! Tsaka alam naman nating taken si Dennise."

Madz: "Oo nga. Malandi naman yung jowa niya."

Gretch: "Paano kung gusto talaga ni Alyssa si Dennise? Okay lang sa'yo?"

Madz: "Gusto ko lang maging masaya siya."

Gretch: "Tingin mo dapat isumbong na natin si Bea?"

Madz: "May proof ka?"

Gretch: "Oo."

Sakto namang lumabas si Alyssa ng cr. Muntik pa itong madulas at tumawa lang ito ng tumawa.

Madz: "Patay tayo diyan."

Gretch: "Okay lang yan. At least nandito lang tayo sa condo."

Madz: "Itali mo na nga."

Gretch: "Samahan mo na dun sa kwarto at itali mo dun."

Madz: "Grabe!"

Tuluyan namang nadulas si Alyssa at bumagsak ito sa sahig. Natanggal ang tuwalya nito.

Nagtakip ng mata si Gretch.

Gretch: "Pare wag ka nang umasa na maseseduce mo ko!"

Aly: "Asha ka naman. Hahahahahaha tulungan niyo nga ko tumayo."

Nakatakip pa rin ang mata ni Gretch at ayaw niyang gumalaw.

Gretch: "Ikaw na Maddie!"

Si Maddie naman tulala. Nakatitig kay Alyssa.

Gretch: "Huy Maddie!"

Tsaka lang tumayo si Maddie at nilapitan si Alyssa. Naka suot naman ito ng sports bra... kaso naka-panty lang.

Namumula naman si Maddie pero hindi niya maalis ang tingin kay Alyssa. Nakatingin lang din ito sa kanya at tatawa tawa lang.

Alyssa: "Baby mamaya mo na ko pagnashaan, itayo mo na muna ko!"

Natawa lang si Gretch sa narinig at tinignan siya ng masama ni Maddie. Nagpeace sign lang si Gretch sa kanya.

Itinayo naman ni Maddie si Alyssa at inalalayan siya nito papunta sa kwarto. Pagkapasok nila sa kwarto ay nagulat si Maddie nang bigla siyang niyakap ng mahigpit ni Alyssa galing sa likod. Hindi siya makagalaw. Nararamdaman niya ang init ng katawan ni Alyssa, lalo pa't underwear lang ang suot nito.

Behind These WallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon