(27) Are you ready?

18.9K 306 11
                                    

Patay-sindi ang ilaw. You can smell sweat, liquor, and sex in the air. The party has started and everybody is dancing their asses off.

Sa isang sulok ng bar ay naroon si Dennise. Nagkakasiyahan sila nila Ella at Mae, wala pa si Fille dahil may kinailangan daw siyang imeet na supplier para sa CF. Nakakarami na sila ng inom kaya naman nahihilo na si Dennise.

Mae: "Inom pa tayo!"

Ella: "Sige dali order ka pa. Tsaka isang crispy pata!"

Mae: "Hoy ikaw! Mas madami ka pang pinupulutan kaysa sa iniinom! Kami lang ni Dennise halos umubos nitong tower oh."

Natatawa tawa na lang si Dennise sa dalawa. Umorder pa nga sila ulit. Habang umiinom si Mae at Den ay kain naman ng kain si Ella.

Patingin tingin si Dennise sa phone niya dahil nag-aantay siya ng text kay Bea. Bukas na kasi dapat ang uwi nito galing probinsya pero hindi pa rin ito nagtetext sa kanya.

Mae: "Hoy tigilan mo nga yan. Nandito nga tayo para magsaya dahil wala si Bea tapos tingin ka naman ng tingin sa phone."

Den: "Hindi pa kasi siya nagtetext eh."

Ella: "Pabayaan mo muna kasi yang si Bea. Yun na lang pansinin mo, okay lang kahit share tayo sa crush ko!"

Lumingon naman sina Mae at Dennise sa stage.

"Uhm hello?"

Nagtilian naman ang mga tao sa loob ng bar. Kahit medyo madilim eh kilig na kilig mga babae sa simpleng sinabi nung vocalist nung banda.

Nakasuot ito ng puting v neck tshirt na pinatungan ng leather jacket na itim. Nakablack ripped jeans at boots.

Mas mainit pa siya sa summer ng Pilipinas. Pero nalulunod na ang lahat sa sex appeal niya.

Muntikan nang maibuga ni Dennise ang iniinom kay Ella.

Nandoon sa stage, may napakagandang ngiti...

Si Alyssa.

Nasa likod niya si Gretchen na nasa drums. Si Kim at Alyssa may hawak na gitara. Si Marge nasa keyboard. Nakasuot si Gretch ng checkered na red polo at black pants Halos pare parehas sila ng outfit nina Kim, iba lang ang kulay.

Alyssa: "Hello! Bale magpeperform kami tonight para sa birthday girl, Wensh Tiu!"

Nagpalakpakan naman ang mga tao.

Alyssa: "Bale isang song lang, sorry."

"Aaaaawwww..." sabi ng audience.

Ella: "Ang daya bakit isa lang!"

Mae: "Oo nga dapat kahit tatlo man lang!"

Den: "Okay na yan para matapos na!"

Napalingon ang dalawa kay Dennise. Alam nilang hindi nagpapansinan ang dalawa pero hindi pa nila napapag-usapan.

Ella: "Bakit Den?"

Den: "Uhmm. Ano kasi... may gagawin pa ko. Para makauwi na tayo ng maaga."

Mae: "Ang KJ mo naman e dennise!"

Ella: "Ang arte mo. Enjoyin mo na lang si yummy dun sa stage oh!"

Napatingin naman si Dennise sa stage at nakita niya nga si Alyssa na nakangiti at kitang kita ang dimples niya. Namumula ang tenga. Nahihiya siguro siya. Sa isip ni Dennise.

Naiinis si Dennise kasi... iwas na nga siya ng iwas, pero sadyang pinagtatagpo sila ni Alyssa.

Madalas silang magkita sa school, ngiti lang ang naibibigay nila sa isa't isa.

Behind These WallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon