Nang umalis si Dennise para mag-CR eh binatukan ni Mae si Ella.
Mae: "Panira ka ng moment eh!"
Ella: "Dahan dahan naman! Sayang naman pagpapaganda ko para lang batukan mo!"
Natatawa lang ang magkakaibigan habang si Alyssa naman namumula pa din.
Kim: "Hoy Baldo. Alam kong kinikilig ka. Ano ka highschool?"
Marge: "Namumula ka oh. Hindi ka ba nahihiya na si Dennise pa ang humalik sa'yo?"
Gretch: "Kelan ka pa naging torpe?"
Alyssa: "Eh baka kasi magalit siya kaya ano.."
Maddie: "My god alyssa! Hindi mo ba alam kung kelan dapat halikan ang mga babae?"
Therese: "Awwww cutie."
Kim: "Tiklop ka pala kay Dennise eh. Nawawala moves mo pre!"
Alyssa: "Iba naman kasi talaga si Dennise."
Napangiti silang lahat dahil nakikita nila ang sincerity sa sinabi ni Alyssa. Iba talaga si Dennise para sa kanya. Alam nilang seryoso si Alyssa at nag-iingat siya para maging okay ang lahat sa kanilang dalawa. Ayaw niyang magkamali. Slowly but surely kumbaga.
Gretch: "Sundan mo na kaya sa CR."
Maddie: "Ops. Wala kang gagawin dun ha."
Alyssa: "Wow ah? Ganyan tingin mo sa kin?"
Kim: "Wag ka na magmaang maangan bro."
Marge: "Kilala namin si Alyssa version 2 point 0!"
Alyssa: "Fine. Antayin ko na lang siyang lumabas."
Ella: "Hayaan niyo siya dun baka naglalabas ng kilig at hiya."
Marge: "Kumain na lang tayo ulit."
Ella: "Tama. Gutom na ko."
Gretch: "Uyyyy bagay kayo."
Ella: "Ewan ko sa'yo Gretch. Kumain ka na lang din. Gutom lang yan!"
At nagtawanan ang lahat tsaka bumalik sa upuan nila. Pero si Alyssa biglang kinabahan.
Lumapit siya kay Kim.
Alyssa: "Pare ready na ba?"
Kim: "Hindi pa pare eh. Ang bagal kasi kumilos nina Mika, yung iba kasing teammates pa natin nakadress eh!"
Alyssa: "Okay lang, wag mo masyado madaliin. Ang mahalaga walang palpak."
Kim: "Sige pre. Wag ka mag-alala akong bahala."
Alyssa: "Salamat pre."
Kim: "Ikaw ba ready ka na?"
Alyssa: "Oo. Kaso feeling ko mamaya makakalimutan ko speech ko eh."
Kim: "Hahahaha! Ano ka ba naman. Tumayo ka lang dun, ngumiti ka, tapos tanungin mo na... oo na agad isasagot nun."
Alyssa: "Iba si Dennise pre. Iba siya."
Kim: "Sige na. Ulit-ulit ka na naman. Iba si Dennise. Special siya. Hindi mo siya mamadaliin. Paparamdam mo sa kanya gaano siya kaspecial para sa'yo at dapat ka niyang pagkatiwalaan. Okay na?"
Alyssa: "Tama! Iba kasi talaga siya pare."
Nangingiti ngiti si Kim kahit paulit ulit si Alyssa kasi alam niyang ang Alyssa na kaharap niya ngayon ay ang tunay na Alyssa. Walang takot. Walang doubts. Walang pader na kailangang tibagin para maabot siya. Si Alyssa na totoo sa sarili. Totoong magmahal.
BINABASA MO ANG
Behind These Walls
Fiksi Penggemar"Will you ever get to know the real me behind these walls?" Warning: SPG.