Ilang minuto nang sinusubukan ni Dennise na i-start ang makina ng sasakyan niya pero ayaw talaga. Malapit na siyang ma-late.
Naisipan niyang mag-taxi na lang papasok dahil hindi naman dinadaanan ng jeep ang condo nila.
Ilang minuto siyang nag-antay pero walang taxi ang dumaan.
Dennise: "Ahhh malelate na ko!"
Habang nagtatantrums si Dennise ay may tumigil na sasakyan sa harap niya. Nagbaba ito ng bintana.
Alyssa: "Anyare? Sabay ka na sa kin?"
Napanganga si Dennise kay Alyssa. Nakashades ito na lalong nagpapogi sa kanya. Nakacheckered polo ito na blue. Medyo basa pa ang buhok at kahit nasa loob ng sasakyan ay naamoy niya ang pabango nito. Vanilla.
Dahil malelate na rin siya eh wala nang nagawa si Dennise kung hindi sumabay.
Hindi na bumaba ng sasakyan si Alyssa pero pinagbukas niya ng pintuan si Dennise galing sa loob. Pagsakay ni Dennise eh ngumiti si Alyssa sa kanya ng pagkatamis-tamis tsaka nagsimulang nagmaneho.
Habang papunta sila sa school eh naisipan ni Dennise magcheck ng phone. Mula sa insidente (shake hands) nila ni Alyssa kagabi eh hindi niya na ito natignan pa dahil buong gabi niyang kinoconvince ang sarili na wala siyang nararamdamang kilig para kay Alyssa.
From Bea: See you, parking lot?
Bigla namang kinabahan si Dennise dahil nga kasama niya si Alyssa. Napansin naman ni Alyssa na parang namutla si Dennise kaya nagtanong ito.
Alyssa: "Hey, are you okay?"
Hindi alam ni Dennise kung dahil sa malambing na tono o sa concern sa mga mata ni Alyssa kaya siya parang nanlambot. Naiinis na siya sa sarili dahil feeling niya nagtataksil siya kay Bea. "Yeah, I'm fine."
Alyssa: "Is Bea going to meet you at school before class?"
Dennise: "Yup."
Alyssa: "I can drop you off somewhere else para hindi niya ko makita."
Dennise: "Hey. Wala kong paki kung makita ka niya."
Alyssa: "Well ako meron. Ayaw ko namang masapak niya na naman ako at bawal akong gumanti kasi andun ka."
Natawa naman si Dennise sa sinabi ni Alyssa. Di niya akalaing mabiro pala ito. Si Alyssa naman nalusaw ang kaloob-looban sa idea na napatawa niya ng ganoon si Dennise.
Dennise: "Wala ka pala Valdez eh. Tiklop ka."
Alyssa: "Excuse me, kaya kong patumbahin yang jowa mo kung gusto ko."
Dennise: "Eh bakit hindi mo gawin? Dahil lang sa alcohol?"
"Kasi alam kong masasaktan ka pag sinaktan ko siya kaya hahayaan ko na lang na ako ang masaktan." Sabi ni Alyssa tsaka kumindat kay Dennise at bumalik ng tingin sa daan. Namula naman si Dennise.
Alyssa: "Kamatis!"
Dennise: "Hoy hindi ah!"
Alyssa: "Konti na lang iisipin ko talagang type mo ko eh."
Dennise: "Ang kapal talaga ng mukha mo."
Alyssa: "Pwede mo namang aminin Dennise. Okay lang."
Dennise: "Pwede ba. Taken ako."
Alyssa: "Walang forever."
Dennise: "Meron. Ikaw forever yabang."
BINABASA MO ANG
Behind These Walls
Fanfiction"Will you ever get to know the real me behind these walls?" Warning: SPG.