(24) Secret Powers v2.0

17K 293 20
                                    

Nagkatinginan si Alyssa at Maddie sa narinig. Parehas silang nakakunot ang noo.

Alyssa: "Were you expecting her to come?"

Kaya ba ganun lang suot niya kanina? Sa isip ni Alyssa.

Maddie: "No! Wala kong ineexpect na pupunta dito today. Dami kong bisita ah?"

Alyssa: "Mahaba na hair mo niyan?"

Balik sa asaran ang dalawa. Tatawa tawa na sana sila nang biglang may kumatok ulit at nagsalita.

Bea: "Madz come on, open up!"

Humarap si Maddie kay Alyssa.

Maddie: "Tago ka muna sa room ko ha? Wag kang maingay please."

Alyssa: "K fine. Tandaan mo may date tayo."

Maddie: "Oo naman."

Papasok na sana si Alyssa sa kwarto at bubuksan na sana ni Maddie ang pinto nang biglang may naalala si Alyssa.

Alyssa: "Baby di ka ba magbibihis muna?"

Napatingin naman si Maddie sa itsura niya at narealize na nakatuwalya lang nga pala siya.

Maddie: "Give me 5 mins Bea!"

Bea: "What? Ang tagal naman!"

Maddie: "Kakaligo ko lang eh. Bihis lang ako."

Sumama na siya kay Alyssa papasok sa kwarto para sa magbihis. Pagkapasok na pagkapasok ay nagdirediretso si Maddie sa usual niyang ginagawa pagkaligo dahil nagmamadali sana siya dahil nga kay Bea na nag-aantay sa labas.

Si Alyssa dumiretso sa kama at umupo doon. Nagulat siya nung napaharap siya kay Maddie.

Nagtanggal na ito ng tuwalya.

Nakabra at panty lang itong nagpapatuyo ng buhok at naghahanap ng maisusuot.

Namula si Alyssa. Nakaramdam siya ng init sa katawan. Napalunok siya ng paulit ulit. Ang nalimutan niyang gawin ay ang mag-iwas ng tingin.

Nang makapili ng isusuot ay uupo sana sa kama si Maddie para maglotion pero nakita niya si Alyssa na namumula at nakatulala sa kanya.

Shocks nalimutan kong andiyan siya. Hahahaha aasarin ko nga. Sabi ni Maddie sa isip niya.

Humarap si Maddie kay Alyssa at naglakad na pasexy papunta kay Alyssa. Si Alyssa naman nakatitig lang kay Maddie. Mula sa paa... pataas ng pataas. Pawis na pawis na siya.

Maddie: "Alyssa..."

Medyo malanding sabi ni Maddie.

Susmaryosep. Bakit ganun parang ang sexy pakinggan ng pangalan ko pag sinasabi niya... sa isip ni Alyssa.

Alyssa: "Madz..."

Yung kay Alyssa naman parang kabadong kabado ang pagkakasabi niya. Napangiti si Maddie.

Maddie: "Bakit pinapawisan ka?"

Alyssa: "Ang hot kasi... Oo mainit. Buksan mo naman aircon."

Maddie: "Ah ganun ba. Naiinitan ka pala eh di hubarin natin yang jacket mo."

Lumapit si Maddie kay Alyssa na nakaupo sa dulo ng kama. Pumagitna siya sa hita nito at inabot ang zipper ng jacket ni Alyssa.

Dahan dahan niya itong binaba para mabuksan. Nakatitig sila sa isa't isa habang ginagawa ni Maddie yun.

Tinulungan pa ni Maddie na alisin ang jacket ni Alyssa kaya naman parang nakayakap pa siya dito nang inalis ito sa likuran niya.

Behind These WallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon