(31.5) The Past: First

17.2K 302 8
                                    

Kim: "Si Bang."

Nakatingin si Kim at Marge kay Dennise at naghihintay ng reaction.

1

2

3

4

5

.
.
.
.
.
.
.
.
Dennise: "Sino yun?"

Halos malaglag sa upuan si Marge at Kim sa sinabi ni Dennise.

Kim: "Si Bang di mo kilala?"

Marge: "Shiela Pineda? Bang?"

Dennise: "Hindi eh."

Kim: "My gosh Dennise. Taong tabon ka ba?"

Marge: "Saang kweba ka tinago ni Bea nung kayo pa?"

Dennise: "Di ko talaga siya kilala eh."

Kim: "Ay sus. Basta siya yung sikat na volleyball player sa ibang university."

Marge: "Siya nagturo kay Ly magvolleyball."

Kim: "Well, marunong na si Ly nung una, pero si Bang ang nagtrain sa kanya para gumaling."

Marge: "Kaya tumigil si Ly magvolleyball eh nung naghiwalay sila ni Bang. Ayaw niyang makita si Bang kasi makakalaban nila yun."

Kim: "Di mo talaga kilala? Grabe ka Dennise. Pwes ngayon alam mo na. Yung Bang Pineda ang first love ni Alyssa. Siya ang sisihin mo sa kinahinatnan ni Alyssa ngayon."

Dennise: "Bakit? Ano ba nangyari?"

Marge: "Mahabang storya eh."

Dennise: "Go na kasi. Mahaba pala eh di simulan niyo na."

Kim: "Wow makautos ah. Close tayo?"

Nahiya naman si Dennise sa sinabi ni Kim. Hindi naman nga sila close, at ito pa ang mga malalapit na kaibigan ni Alyssa na nasaktan niya.

Marge: "Gago ka talaga Kim. Biro lang yun Dennise. Wag mo pansinin itong nognog na to."

Dennise: "Hindi okay lang. Tama naman kasi siya."

Kim: "Oy biro lang nga! Ang mahal ni Baldo ay mahal na rin namin. Kaya ikaw ay ang aming prinsesa. Hahahaha"

Marge: "Ganito kasi yan. Si Baldo nga kasi torpe siya noon. Isa lang ang babaeng kinausap niya ever bukod sa amin noong highschool kami. Si Bang."

Kim: "Matagal bago niya nakausap yun. Nadaan niya nga lang sa pagpapaturo ng volleyball eh. Kaya naman kilig na kilig yun lagi kung magkwento sa amin."

Marge: "Naging sila naman eventually. Pero si Baldo walang kaalam alam sa maraming bagay."

Kim: "Noon palang dapat nahalata na namin..."

Flashback

Second Year Highschool

Naglalakad na pauwi ang magbest friend na si Kim at Alyssa. Kanina pa rinding-rindi si Kim sa paulit ulit na sinasabi ni Alyssa.

Alyssa: "Diba pare? Diba?"

Kim: "Oo na nga maganda na nga yung crush mo. Oo na nga kinikilig ka na pinansin ka niya kanina. Oo na nga ikaw na ang in love. Okay na?"

Alyssa: "Pare kase! Ang ganda niya talaga!"

Haaay hindi pa rin tumigil. Sa isip ni Kim.

Behind These WallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon