Hindi alam ni Dennise kung bakit di siya tumanggi at pumikit na lang nang malapit na malapit na ang labi ni Alyssa sa kanya.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Kring kring kring kriiiiiiiiiinnnggggg
Napabalikwas si dennise ng bangon dahil sa lakas ng tunog ng alarm clock niya.
Anak ng tinapa panaginip lang pala!
Tinignan niya ang orasan at 8am na.
Hala, 8:30 pasok ko!
Dali-dali siyang tumakbo papunta sa banyo at naligo. Pagkaligo ay nagbihis siya at tumakbo papuntang kusina. Dahil nalate ng gising ay magcecereals na lang sana siya pero nakita niya ang isang note sa lamesa sa ibabaw ng isang mangkok na tinakpan ng plato.
Kung gusto mo lang naman, pwede mo kainin to. Good morning D! :) -A
Tinanggal niya ang takip at nakita niya ang isang mangkok na may lamang pagkain. May fried rice na nilagyan ng mukha gamit ang red eggs at hotdog. Isang smiley face ang korte nito.
Ang cute! Ang sweet niya naman.
Kumain na si Dennise at umalis na papuntang school. Nagmaneho na siya at kumalma lang siya nang makarating sa parking lot ng school 5 mins before 8:30.
Bumaba na siya at tumakbo papuntang classroom. Pagdating doon ay nakita niyang walang tao. Nakasulat sa board.
No class today.
Badtrip. Nagmadali pa ko. Ganda na ng panaginip ko eh...
Narealize naman ni Dennise ang naisip niya at pilit inalala ang panaginip. Naalala niya si Bea.
Oh shit. Ano maganda sa panaginip ko? Nahuli ko si Bea na may kahalikang iba... pero niligtas ako ni Alyssa. Bago ako magising...
Kyaaaaah!
Bakit ka kinikilig Dennise? Lagot ka kay Bea! Teka. Nambabae siya!
Sa panaginip lang siya nambabae. Oo tama. Sa panaginip lang. Mahiya ka nga! Pinagpapantasyahan mo si Alyssa sa panaginip mo!
Nagulat naman si Dennise nang may magsalita sa likod niya.
.
.
.
"Okay ka lang?"
Paglingon ni Dennise ay nakita niya ang nagsalita.
Si Alyssa.
Agad namula si Dennise dahil naalala niya ang panaginip niya.
"Ha? Oo okay lang. Bakit?"
"Kasi narinig kong may tumili galing dito akala ko ano na nangyari."
"Ahh wala nadulas kasi ako."
"Ah sige."
"Ang daya mo di mo man lang ako ginising kanina."
"Ang cute mo kasi matulog, nahiya akong gisingin ka."
BINABASA MO ANG
Behind These Walls
Fanfiction"Will you ever get to know the real me behind these walls?" Warning: SPG.