(15) The Storm

16.3K 338 37
                                    

Nagising si Dennise na sobrang sakit ng ulo na parang may pumupukpok dito. Bumangon siya at pumunta sa CR para maghilamos. Pagkalabas ng banyo ay nakita niya si Mae na nakaupo sa dining table.

"Hi Mae. Good morning."

Naghihikab hikab pa na bati ni Dennise. Ngumiti lang si Mae.

.

.

.

.

.

Den: "Mae? Anong ginagawa mo dito?"

Mae: "Hoy babaita. Matapos kitang alagaan iyan ang sasabihin mo sa akin?"

Den: "Alagaan? Bakit?"

Mae: "Ay wala kang naaalala?"

Nag-iisip naman si Dennise ng nangyari kahapon. Naalala niya ang pagkatalo ni Bea... ang sinabi nito kaya nakipagbreak siya... ang bar... at...

Den: "Oh shit!"

Mae: "Oh shit talaga."

Den: "Buti na lang ikaw yung nakakita sa kin! Akala ko may nangrerape sa akin eh!"

Mae: "Hindi ako."

Den: "Ha? Sino?"

Mae: "Si Alyssa."

Si Alyssa.

Si Alyssa. 

Si Alyssa. 

Den: "What? Nirape ako ni Alyssa?"

Mae: "Tanga! Basang-basa ka daw kasi sa ulan kaya pinaglitan ka niya ng tshirt. Nagsorry naman siya kagabi."

Den: "Hala."

Mae: "Hiyang hiya nga siya nung sinasabi niya sa akin. Hahaha ang cute lang! Akala mo inosente!"

Namumula na si Dennise kapag naiisip niyang nakita ni Alyssa yung... at naimagine niya rin na sa kanya ginagawa ni Alyssa yung nahuli nung tatay nito sa kotse niya nung nakaraan...

Mae: "Wag ka ngang ano diyan. Wala naman daw siyang ginawang masama."

Ay sayang.

Den: "Buti naman."

Mae: "Halika na dito at kumain ka na."

Lumapit naman si Dennise at kumain.

Den: "Marunong ka pala magluto? Masarap ha?"

Mae: "Hindi ako nagluto niyan. Si Alyssa."

Mayroon bang hindi kayang gawin yung si Alyssa? Sa isip ni Dennise.

Matapos kumain ay naisip niya ang oras. Pagtingin niya sa relo ay nanlaki ang mata niya.

Mae: "Oh wag ka nang magpanic diyan. May bagyo kaya suspended ang pasok."

Den: "Whew! Akala ko absent na ko."

Mae: "Hindi nga rin ako makauwi, ang lakas ng ulan sa labas. Mamaya maya na lang pag humina. Kanina pa nga ako kinukulit ni Ella."

Den: "Paano palang si Alyssa nakahanap sa akin?"

Mae: "Eh tinawagan siya ni Ella kagabi. Nasa dorm na kasi si Ella eh alam mo naman curfew namin. Eh ako naman nasa bahay ng groupmate ko sa project namin."

Den: "Nakakahiya naman."

Mae: "Nakakahiya ka talaga. Ano ba kasi nangyari at naglasing ka?"

Behind These WallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon