(31.5.5) The Past: Please

17.6K 301 28
                                    

Flashback

Pagod na pagod si Kim galing sa byahe. Galing kasi siya ng probinsya para dalawin ang Tita niya na may sakit pero napaaga siya ng uwi dahil may problema ang project nila sa isang subject. Pagkauwi niya ng dorm eh dire-diretso siyang pumasok sa kwarto nila para sana magpahinga. Hindi na siya bumati ng kung sino man. Ang alam niya din naman eh wala si Ara na roommate niya dahil weekend at laging nasa bar si Ara.

Pagpasok niya ng kwarto eh binuksan niya ang ilaw.

Kung kanina eh antok na antok siya, ngayon naman parang hindi na siya makakatulog.

Nakita niya si Bang at Ara.. parehas walang damit, magkapatong at naghahalikan.

Ara: "Kim? Shit."

Napatakip sa mata si Kim. Agad na naghiwalay naman yung dalawa at nagtago sa kumot si Bang. Si Ara naman agad-agad na kumuha ng masusuot na damit.

Hindi pa din nagsasalita si Kim. Sa sobrang gulat niya di niya alam ang irereact.

Ara: "Kim. Ano.. ahhh."

Bang: "Shit talaga."

Kim: "B-b-bang? P-p-paano mo n-n-nagawa kay Alyssa to?"

Ara: "Kim ganito kasi yan."

Kim: "Putangina Ara! Alam mo naman kung gaano kamahal ni Alyssa si Bang!"

Ara: "Pero ano.. pero"

Bang: "Wag mo siyang sisihin Kim, ako may kasalanan."

Kim: "Putangina mo rin Bang! Nako kailangang malaman ito ni Baldo!"

Tatakbo na sana palabas si Kim para puntahan si Alyssa pero nahawakan siya agad ni Ara at hinila siya pabalik.

Ara: "Crush mo si Mela diba?"

Kim: "Ara bitiwan mo ko!"

Ara: "Gusto mo si Mela diba? Tutulungan kita kay Mela! Gusto mo isang linggo lang kayo na agad eh! Wag mo lang sabihin kay Alyssa."

Kim: "Pero.."

Ara: "Ano? Deal? Diba matagal mo nang gusto yun? Highschool pa lang diba? Tropa ko yung si Mela makikinig sa kin yun. Gusto mo bukas mismo may date na kayo eh."

Hindi makaisip si Kim. Highschool pa lang nga gustong gusto niya na si Mela. Pero ilang taon na ang lumipas wala pa rin siyang progress dito. Hindi naman siya matulungan ni Alyssa kasi isa pa yung torpe. Si Marge naman wala ding alam sa ganung bagay.

Ara: "Aasahan ko yan ha. Pag may nakaalam na iba, paghihiwalayin ko din kayo ni Mela. Maliwanag?"

----------

Matapos nga ang isang linggo eh naging si Mela at Kim nga. Naging totoo si Ara sa usapan kaya.

Ara: "Nagawa ko na yung part ko. Tandaan mo, pag may nakaalam, break na kayo ni Mela."

Naging okay naman ang relationship ni Kim at Mela. Pero hindi tuluyang naging masaya si Kim dahil nga alam niyang nakuha niya lang ito sa pagtataksil sa matalik niyang kaibigan.

Nagpatuloy din ang patagong relasyon ni Bang at Ara. Ilang beses ding tiniis ni Kim ang marinig si Bang at Ara sa room nila. Kung minsan din naman eh kapag nasa bar ang dalawa at naglalampungan, si Kim ang gumagawa ng paraan para hindi pumunta si Alyssa doon o kaya naman eh siya ang gumagawa ng dahilan para umalis sina Alyssa doon at hindi makita ang dalawa.

Behind These WallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon