"Good morning!"
Hindi alam ni Dennise kung ano ang mas nakapagpaganda ng umaga niya: ang inaabot ni Alyssa na kape o ang napakatamis na ngiti nito sa kanya.
Kahit na kulang ang tulog ni Dennise kagabi dahil nga hindi na siya nakatulog halos dahil sa "wet dreams" na yan eh parang fully charged siya para harapin ang huling araw ng linggong ito.
The week was full of events and Dennise couldn't help but smile at the thought of being this close to Alyssa after just spending a week together.
Kinuha ni Dennise ang kape at umupo na din siya sa dining table at nakita ang nakahandang pagkain para sa kanya.
"Mukhang maganda ang gising mo ah."
Saka lang naputol ang pagsesenti ni Dennise nang marinig niya ang pang-aasar ni Alyssa sa kanya.
D: "Ewan ko sa'yo. Buti na lang marunong kang magluto mapagtitiisan ko ang makasama ka ng matagal dito."
A: "Wow ah. Swerte mo nga at ako ang unang nakikita mo sa umaga."
D: "Ewww. Sira na nga agad araw ko sa'yo eh."
A: "Sus. Kaya pala ang ganda ng ngiti niya kanina. Deny pa more."
D: "Che! Nag-good morning text kasi si Bea kaya ako masaya."
Hindi alam ni Dennise kung imagination niya lang o ano pero parang nakita niyang nalungkot si Alyssa sa sinabi niya. Pero nung titignan niya naman ulit eh nakayuko na si Alyssa sa kinakain.
Totoo naman na nag-good morning nga si Bea sa kanya at sinabi pa nito na susunduin siya nito sa condo para sabay silang papasok today. Nagtataka man si Dennise ay pumayag na lang din siya dahil nga alam niyang gustong bumawi ni Bea sa nangyari nung nakaraan.
Hindi nga lang alam ni Dennise kung ano ang magiging reaction ni Bea kapag nagkita na sila ulit ni Alyssa. Hindi naman sila gaanong nakapag-usap kasi kahapon mula nung nagkita na sila sa library nung umaga kasi nga dumiretso silang coffee library after class.
Naguguluhan na si Dennise. Kanina lang parang kinikilig siya kay Alyssa tapos ngayon naman kinikilig siya kay Bea. Pilit niyang itinatanggi ang kilig niya kay Alyssa kaya hindi niya na lang din ito kinausap pa.
Tahimik na kumain ang dalawa at hindi na tumingin si Alyssa ulit kay Dennise.
Ayan kasi Alyssa ang landi landi mo. Alam mo namang taken yung tao eh. Sa isip ni Alyssa. Nalungkot at nasaktan siya sa sinabi ni Dennise kahit hindi naman dapat kasi nga alam niya naman ang lugar niya.
Nakatanggap naman siya ng text kaya kinuha niya ang phone niya.
From Kim: Pare get together tayo later with marge oks ba?
To Kim: Sure. What time?
From Kim: After practice.
To Kim: Oks. See you later.
Nakatapos naman nang kumain si Dennise kaya naligo na siya. Naghihintay lang si Alyssa sa living room habang nanonood ng cartoons nang biglang may kumatok.
Tok tok tok
Tumayo si Alyssa at binuksan ang pinto.
O___o
Parehas na nanlaki ang mata ng dalawa nang makita kung sino ang nasa kabilang side ng pintuan.
Ineexpect ni Bea na si Dennise ang magbubukas ng pinto kasi nagtext siyang nakarating na siya, pero naliligo ito kaya di nabasa ang text niya.
BINABASA MO ANG
Behind These Walls
Fanfiction"Will you ever get to know the real me behind these walls?" Warning: SPG.