"Ayusin mo nga yang mukha mo Baldo."
Nakasimangot na bumaba ng sasakyan si Alyssa habang suot suot ang kanyang shades para hindi makita ng tatay niya ang paulit ulit na pag-irap niya dito. Ang aga aga siyang ginising kanina, may kaunting hangover pa siya. Masakit din ulo niya sa 4 hours na tulog.
"Alam kong iniirapan mo ko kahit nakashades ka."
Lalong sumimangot si Alyssa sa sinabi ng papa niya pero wala na siyang nagawa at kinuha ang gitara niya tsaka naglakad papasok ng condo. Si Mang Dolor naman na tauhan ng Papa niya ang nagdala ng iba niyang mga gamit.
Pagpasok ni Alyssa sa condo niya ay nagulat siya. Pagkapasok ng main door ay makikita mo ang mini kitchen sa kaliwa na kasama ang dining table. Paglampas mo dito ay may isang couch lamang at TV. Iisa lang din ang comfort room at nasa labas ito ng dalawang maliit na kwarto.
Hindi naman na nagreklamo si Alyssa dahil mas okay pa din ito para sa kanya kumpara sa dorm. At least isa lang ang kashare niya sa banyo dito at magkahiwalay naman sila ng bedroom.
"Okay ba?"
"Ayos lang Pa."
"Maupo ka muna diyan sa couch habang inaantay natin ang makakasama mo."
Umupo naman siya at nagsuot ng earphones para magsoundtrip. Kung aakalain mong rock ang trip niya, nagkakamali ka. Most of the songs in Alyssa's playlist are mellow songs. Not love songs in particular, just mellow songs. Pero trip niyang magrandom songs ngayon sa spotify. She closed her eyes as she listened to the song.
you never know when you're gonna meet someone
and your whole wide world in a moment comes undone
you're just walking around then suddenly
everything that you thought that you knew about love is goneHindi narinig ni Alyssa na may kumatok na sa pinto at pinagbuksan na ito ng Papa niya. Dumilat lang siya nang sipain siya sa paa ng kung sino at pagdilat niya ay hindi niya lubos akalaing ito ang makikita niya.
you find out it's all been wrong
all my scars, don't seem to matter anymore
coz they lead me here to youKilala ni Alyssa si Dennise bilang nerdy nerdy at ang kawawang girlfriend ni Bea De Leon. Nakikita niya ito minsan sa school pero hindi niya ito tinitignan maigi dahil alam niya ang reputasyon nito bilang Ms. Goody Two-Shoes. Hindi naman sa ayaw ni Alyssa sa mga ganito, pero ayaw niyang mandamay ng mga inosenteng tao sa kalokohan niya sa buhay. She knew that the girl was cute and had flawless skin. She knew that Bea was lucky to have a girlfriend like her, but Alyssa never paid attention. She didn't care. Until now.
i know it's gonna take some time
but i've got to admit
that the thought has crossed my mind
this might end up like it should
i'm gonna say what i need to say
and hope to god that it don't scare you away
don't want to be misunderstood
but i'm starting to believe that
this could be the start of something goodIt's like everything around her was in slow motion as she was watching Dennise walk towards them in the middle of the room. Her earphones were still blasting music to her ears, and the song feels like a soundtrack of this moment. Medyo baduy, pero hindi akalain ni Alyssa na nangyayari pala talaga ito sa totoong buhay.
everyone knows life has its ups and downs
one day you're on top of the world
and one day you're the clownParang nalimutan ni Alyssa ang lahat ng bitterness niya tungkol sa love and romance. Parang nalimutan ni Alyssa na nandito si Dennise para bantayan siya bilang paursa. Pero ang hindi nalimutan ni Alyssa ay si Bea. Ang walanghiyang nanloloko kay Dennise.
BINABASA MO ANG
Behind These Walls
Fanfic"Will you ever get to know the real me behind these walls?" Warning: SPG.