(7.5) Everything has Changed

13.8K 300 4
                                    

"Tanong mo kay Bea."

Bakit kay Bea?

"Justine." Sabi ni Alyssa. Nagtitigan lang yung dalawa. Di alam ni Dennise kung naiinis siya dahil ayaw nila sabihin kung anong meron kay Maddie o dahil parang naglalandian ang dalawa sa harap niya.

Akala ko ba kikilalanin mo muna si Alyssa? Tanong ni Dennise sa sarili. Pero sinagot din niya ang sarili. Kanina yun bago siya makipaglandian sa kapatid ko!

Den: "Bakit kay Bea?"

Jus: "Wala ate. Alam kasi nung GF mo ang lahat."

Den: "Ayan ka na naman."

Jus: "Eto na titigil na."

Aly: "Kain na lang tayo."

Sumubo naman si Dennise ng luto ni Alyssa at nagpigil siya na magreact. Ang sarap naman grabe.

Nakangiti lang si Alyssa sa kanya na parang nag-aantay ng reaksyon. Dahil nga ayaw ni Dennise magpahalata na nasarapan siya eh nagpatuloy na lang siya sa pagkain at di na tinignan si Alyssa ulit.

Nagkwentuhan naman si Jus at Alyssa tungkol sa basketball dahil fan si Jus at nanonood siya ng games.

Jus: "Si Gretch ba may girlfriend?"

Aly: "Hahaha wala. Parehas lang kami nun."

Jus: "Anong parehas?"

Aly: "Parehas kaming hindi magseseryoso nun."

Jus: "Bakit naman?"

Aly: "Mahabang kwento."

Jus: "Mahaba pa naman ang oras."

Dahil naiirita na din si Dennise since naoOP siya sa dalawa eh sumabat na siya.

Den: "Next time na lang Jus, late na. May pasok ka pa bukas."

Jus: "Hindi ba pwedeng dito na lang ako matulog?"

Den: "Hindi. Maaga ka bukas diba?"

Jus: "KJ mo ate!"

Aly: "Sa dorm ka ba?"

Jus: "Oo eh."

Aly: "Hatid na lang kita."

Naalala naman ni Dennise ang sabi ng tatay ni Alyssa na nahuli itong may kasama sa sasakyan at...

Den: "Wag!"

Nagulat si Jus at Alyssa sa sigaw ni Dennise at nagtaka.

Jus: "OA lang ate? Ikaw tong pinapauwi ako kanina tapos ngayon ayaw mo."

Den: "Che. Sasama na lang ako paghatid."

Jus: "K fine."

Bumaba naman na sila at sumakay sa sasakyan ni Alyssa.

Sa harap umupo si Dennise dahil nga kasama naman siya pabalik. Tahimik lang sila hanggang sa makarating ng dorm. Bababa na sana si Jus nang biglang magsalita si Alyssa.

Aly: "Wait lang Jus."

Bumaba ito at pinagbuksan ng pinto si Justine saka inalalayan ito pababa. Namumula si Justine sa kilig. Namumula si Dennise sa inis. Napakalandi netong Alyssa na to pati ba naman kapatid ko!

Jus: "Uhm. Thank you."

Aly: "Sige, una na kami ng ate mo ah."

Jus: "Ingat kayo!"

Behind These WallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon