(25) So Close

16.8K 300 9
                                    

Buong araw tumambay si Dennise sa CF. Matapos nilang mag-usap ni Fille eh. Bumalik siya sa booth niya at nakitang wala na si Alyssa doon.

Nagpatuloy lang siya sa pagbabasa at pag-inom ng kape.

Naramdaman niyang nagvibrate yung phone niya sa bulsa niya kaya naman kinuha niya ito.

From Bea: Where are you bae?

To Bea: CF. Why?

From Bea: Wanna eat?

To Bea: Lunch?

From Bea: No. Me. ;)

To Bea: Baliw. Hahaha later. Can we eat lunch first?

From Bea: Sure. On my way.

Sinundo naman ni Bea nga si Dennise sa CF at walang kaalam alam si Dennise kung saan galing si Bea bago pumunta sa kanya.

Kumain naman sila ng lunch at naninibago si Dennise dahil ang ganda ganda ng mood ni Bea. Nakikipagbiruan pa ito sa kanya at medyo sweet ito na pahawak hawak pa sa tuhod niya habang nag-uusap sila.

Pero nagbago ang lahat matapos ni Bea tumingin sa phone niya. Ano kayang meron doon? Sa isip ni Dennise.

Bea: "CR lang ako bae."

Den: "Sige."

Naiwan naman ni Bea ang phone sa lamesa at tinignan ito ni Dennise. Pagkaunlock niya eh ang una niyang nakita ay ang IG ni Bea.

madzmadayag: on a date with the phenom! *insert pic of maddie kissing alyssa's cheeks with a park in the background*

Binaba niya agad ang phone ni Bea.

Bakit nalungkot si Bea sa pic na yun?

Bakit nakakiss si Maddie sa cheeks ni Alyssa!?

Anong meron kay Maddie at Bea? Bakit affected siya?

Bakit nakakiss si Maddie sa cheeks ni Alyssa!?

Habang nag-iisip si Dennise ay bumalik naman si Bea galing CR.

Den: "Bae pwede magtanong?"

Bea: "What?"

Ayan na naman po ang sungit niya. Sa isip ni Den.

Den: "Do you know Maddie?"

Bea stiffened. Den noticed but ignored it.

Bea: "Bakit mo natanong?"

Den: "Well, sabi kasi ni Jus dati tanong ko daw sa'yo sino si Maddie eh."

Bea: "Jus, your sister?"

Den: "Yeah."

Bea: "Maddie is a friend."

Den: "Pano kayo nagkakilala?"

Bea: "Classmate ko siya sa isang elective. Is this an interview or something?"

Den: "No. We were just chatting. Anong problema bae?"

Bea: "Wala."

Den: "Okay."

Natahimik naman ang dalawa. You and your big mouth Dennise. Nawala tuloy lalo sa mood si Bea. Sa isip ni Dennise.

----------

Pagkatapos nilang kumain ay hinatid ni Bea si Dennise sa condo niya. Ibinaba lang siya nito sa entrance at hindi man lang nagpaalam. Yayayain pa naman sana niya ito para tumambay na lang doon. Hindi tuloy alam ni Dennise kung saan pupunta ito pagkatapos siyang ihatid.

Behind These WallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon