Nagising si Dennise sa tunog ng tiyan niya. Tumingin siya sa labas at malakas pa din ang ulan. Kaninang umaga pa ang huli niyang kain kaya naman gutom na siya.
Bumangon siya sa kama at nag-ayos ng buhok at damit. Tinignan niya ang phone niya at nakitang walang text si Bea. Puro galing kay Mae at Ella lang.
Ella: "Besh kamusta ka? Kamusta si yummy? Malamig ang panahon... masarap mag-ano... mag-noodles. :p"
Mae: "Never waste an opportunity.
Kaya habang stuck na kayo diyan eh sunggaban mo na si hottie. Charot. Pagpasensyahan mo na, bored kami ni Ella dito sa dorm."
Tumawa lang si Dennise at nagreply kay Mae.
"Halatang bored nga kayo. Magtigil kayo diyan sa iniisip niyo ha. Ang dudumi ng utak! May sakit yung tao."
Iniwan niya ang phone sa kama. Lumabas na siya ng kwarto at napatigil siya.
Ang bango grabe. Lalo akong nagutom.
Nakita niya naman si Alyssa na nagluluto sa kusina. Nakasuot ito ng orange na apron. Yun lang. Deh joke. Nakatshirt at shorts pa rin siya, yung isinuot ni Dennise sa kanya kanina.
Nakita naman ni Alyssa si Dennise na nakatulala sa pinto nito.
A: "Gutom ka na? Sandali na lang maluluto na to."
Lumapit naman si Dennise.
D: "Pasaway ka talaga."
A: "Hala bakit?"
D: "May sakit ka dapat nagpapahinga ka."
A: "Magaling na ko."
D: "Aba kahit na. Baka mabinat ka."
Sabay hawak ni Dennise sa leeg ni Alyssa. Namula naman ang huli. Nang narealize din ni Dennise ang ginawa niya ay namula din siya. Ayun. Awkward.
D: "Uhm. Magreready na lang ako ng lamesa."
A: "Sige tapusin ko na to."
Sagot ng dalawa para kunwari walang nangyari. Natapos na nga si Alyssa sa pagluluto kaya naman kumain na sila. Tahimik lang sila pareho.
Aaaaaayyy!
Sigaw ni Dennise nang biglang namatay ang ilaw. Walang makikita sa paligid. Nasa kwarto lang nila ang bintana kaya naman walang ilaw sa kitchen at living room.
D: "A-alyssa?"
A: "Dennise? Okay ka lang? Nakaupo ka pa ba?"
Ang totoo eh takot si Dennise sa dilim. Feeling niya may hahablot sa kanya bigla. Pero dahil nahihiya siyang sabihin ito eh kunwari na lang ok siya.
D: "Oo. P-pero..."
Di man sabihin ni Dennise eh alam na ni Alyssa na natatakot si Dennise sa dilim.
A: "Wait."
Kinapkap ni Alyssa ang bulsa pero wala ang cellphone niya. Naiwan niya sa kwarto.
A: "Dito ka lang ha, wag ka na tumayo muna. Kunin ko yung phone ko sa kwarto."
D: "Wag mo kong iwan!"
Napasigaw si Dennise dahil nga natatakot siya. Tumayo si Alyssa at kinapa ang daan papunta sa tabi ni Dennise. Naramdaman ito ni Dennise kaya naman umayos siya ng upo iniharap niya ang sarili sa gilid. Dahan dahang hinawakan ni Alyssa ito sa ulo.
A: "Diyan lang ako oh. Saglit lang."
Sabi ni Alyssa tsaka hinalikan sa noo si Dennise. Di niya din alam bakit niya ginawa yun.
BINABASA MO ANG
Behind These Walls
Fanfiction"Will you ever get to know the real me behind these walls?" Warning: SPG.