(29) Bad

30K 414 50
                                    

Nagising si Alyssa kinabukasan na may magandang ngiti sa labi.

Bumangon siya agad at magluluto na sana ng almusal nang mapansin na may isang mug na nasa lababo.

Ang aga niya namang nagising? Sa isip ni Alyssa.

Sumilip siya sa banyo at nakitang wala namang tao doon.

Nawala na agad ang ngiti sa labi niya.

Ano ka ba naman kasi. Kakabreak lang nila ni Bea. Sa isip ni Alyssa.

Naligo na lang siya at naisipang magjogging.

Habang tumatakbo ay hindi niya maiwasang isipin si Dennise.

Okay lang kaya siya? Paano kung matulad siya sa nangyari sa akin na naging pariwara? Sa isip niya.

Naimagine ni Alyssa si Dennise na umiinom sa bar at nakikipaghalikan sa kung kani-kanino.

Sumakit ang dibdib niya.

Hindi naman siguro. Kailangan ko siyang ingatan. Sa isip niya.

Pagkabalik ni Alyssa sa condo eh nagshower siya tsaka humiga sa couch. Kinuha niya ang phone at nakitang may message siya sa FB. Nagulat siya nung malaman kung sino.

Anong meron? Sa isip ni Alyssa.

----------

Maagang nagising si Dennise at naramdaman niya ang sakit ng ulo.

Bumangon siya at agad niyang naalala ang mga nangyari kagabi.

Dumiretso siya sa banyo para maligo. Tsaka siya nagkape at umalis agad.

Ayaw niyang makita si Alyssa. Hindi niya rin sigurado kung bakit, pero gusto niya itong iwasan.

May parte sa kanya na nagagalit sa trip niya. Eto na yung inaantay mo diba? Pwede na kayo ni Alyssa!

Pero nananaig ang takot sa puso ni Dennise. What makes you think na iba si Alyssa kay Bea? Sige pwedeng mas sweet siya. Mas madaming talents and all... pero mas madami naman ang mga babaeng nalandi niya na.

Alam ni Dennise na hindi niya dapat kinukumpara si Alyssa kay Bea... pero natatakot siya. Dahil na rin sa mga sinasabi ng mga kaibigan niya eh may idea naman na siya na niloloko lang siya ni Bea pero masakit pa din pag nahuli niya na mismo.

Parang ayaw niya na muna magtiwala.

Naisipan niyang umuwi muna sa bahay nila. Nagulat naman ang tatay niya pagkakita pa lang sa kanya.

Dad: "Oh anak? Ano nangyari? Napauwi ka?"

Dennise: "Mamaya ko na lang ikwento Dad."

Dad: "Sige pasok ka na muna at magpahinga. Andiyan din si Jus."

Dennise: "Thanks Dad.

Dad: "Tawagin ka na lang namin pag kakain na mamaya."

Umakyat na si Dennise at papunta na sana ng kwarto niya nang masalubong si Jus.

Jus: "Oh ate? Anong ginagawa mo dito?"

Den: "Bawal na ba ko dito?"

Jus: "Hindi naman. Hindi lang ako sanay."

Den: "Sige na. Wala ako sa mood makipag-asaran sayo."

Tsaka siya dumire-diretso sa kwarto.

Nagtaka naman si Jus sa inasta ng ate niya. Kaya naman naisipan niyang magtanong.

Nagmessage siya kay Alyssa sa FB.

Behind These WallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon