Nakatanaw lang sa bintana si Alyssa at pinagmamasdan ang mga ulap. It's actually a beautiful day outside. The sun is shining bright and the skies are blue today. No trace of darkness all throughout the view outside.
Maybe because they're all inside Alyssa.
"Ang lalim naman niyan."
Lumingon si Alyssa sa katabi niya at nakitang nakangiti ito sa kanya pero may kasamang lungkot din. Kanina pa sila nakasakay ng eroplano pero tahimik lang si Alyssa habang ang lahat ng iba niyang teammates ay nagkukwentuhan o naglolokohan.
Alyssa: "Ng ano?"
Myla: "Yang iniisip mo. Diba dapat excited ka? Nahahawa na ko diyan sa mood mo."
Hindi naman kaclose ni Alyssa si Myla pero kilala niya ito. Ayaw naman maging bastos ni Alyssa kaya naman pinapansin niya na din. Mukha naman itong mabait, ano ba naman yung pagbigyan niya baka naman maging mabuting kaibigan. Tutal tinulungan din siya nito nung nakaraan para patigilin si Bea sa pang-iinis sa kanya.
Alyssa: "Pasensya ka na."
Myla: "Ano bang problema? Alam ko di naman tayo close pero ayos nga yon diba? At least wala akong bias. Si Dennise ba?"
Napaharap naman si Alyssa dito sa pagkakabanggit nito kay Dennise. Kung kanina nagiging polite lang siya, ngayon interesado na siyang kausapin ito.
Alyssa: "Bakit mo alam yon?"
Myla: "Duh. Si Bea malamang kinwento ka na sa amin."
Alyssa: "Akala ko ba wala kang bias?"
Myla: "Grabe ka naman. May idea lang ako tungkol sa inyo ni Dennise. At kung ano man yung sinabi ni Bea, eh side niya yon. Alam ko namang may side ka din don sa nangyari at hindi kita hinuhusgahan tulad ng ginagawa mo sa kin ngayon. hahaha!"
Dahil magaan naman itong kausap at mukhang masayahin ay nakitawa na din si Alyssa.
Alyssa: "Hahaha sorry naman."
Myla: "So si Dennise nga?"
Alyssa: "Oo eh."
Myla: "Dahil nandito si Bang?"
Alyssa: "Eh di ikaw na, alam mo lahat."
Myla: "Hahaha! Ano ka ba. Naiintindihan ko naman kasi si Dennise."
Alyssa: "Ha? Magkakilala ba kayo?"
Myla: "Hindi. Pero nagegets ko naman kung bakit nagagalit siya or kung ano man problema niyo ngayon."
Napataas ng kilay si Alyssa. Hindi niya alam kung seseryosohin niya si Myla o hindi. Siya nga hindi niya maintindihan si Dennise, itong hindi niya kakilala naiintindihan siya?
Alyssa: "Baka pwede mo namang sabihin sa kin kasi ako di ko gets."
Myla: "Hahaha! Basta ang isipin mo na lang Alyssa, nandito ka para sa volleyball lang. Wala kang ibang gagawin."
Alyssa: "Ha? Di ko gets."
Myla: "Love is caring for each other even when you're angry."
Tinignan ng mabuti ni Alyssa si Myla. Nagdadalawang isip na siya kung may patutunguhan ba itong pinag-uusapan nilang dalawa dahil hindi niya rin naman maintindihan ito. Pero mukha naman itong seryoso sa mga sinasabi niya kaya nagpatuloy si Alyssa.
Alyssa: "May mas ilalabo pa ba itong usapan natin?"
Myla: "Basta yun lang ang isipin mo Alyssa."
BINABASA MO ANG
Behind These Walls
Fanfiction"Will you ever get to know the real me behind these walls?" Warning: SPG.