"Wag mo kong iwan please."
.
.
.
Lumingon si Dennise at nakita si Alyssa na nakapikit habang nakayakap kay Max. Nananaginip?
Nakakunot ang noo nito. Bumalik si Dennise sa kama at tumabi kay Alyssa. Muli itong nagsalita.
"Wag mo kong iiwan please. Gagawin ko lahat ng gusto mo. Turuan mo lang ako. Kaya ko din yun!"
Nakita ni Dennise na may tumulong luha na mula sa mata ni Alyssa. Pero tulog pa din ito. Mukhang hindi maganda ang panaginip.
"Please huwag. Hindi ko kayang mawala ka sa akin. Please..."
Umiiyak na si Alyssa talaga kaya naman niyakap na siya ni Dennise. Naramdaman ni Dennise na yumakap na din sa kanya si Alyssa. Ano kayang panaginip nito? Parang takot na takot siyang maiwan.
"Please wag mo kong iwan. Please."
Pagmamakaawa ni Alyssa. Kaya naman sumagot na si Dennise.
"Sssshhh. Hindi kita iiwan. Promise."
Hinimas himas niya ang likod nito hanggang sa matigil ito sa pag-iyak. Nakatulog na ito muli ng mahimbing. Kaya naman lumabas na si Dennise ng kwarto at nagluto ng noodles.
Sinisilip silip niya na lang si Alyssa sa kwarto at mukhang okay naman na ito.
Nang makatapos siya sa pagluluto ay dinala niya ito sa kwarto ni Alyssa.
Tinitigan niya ito habang mahimbing na natutulog.
Ang gwapo talaga. Bakit kaya takot na takot itong maiwan? May nang-iwan na ba sa kanya dati?
Sa gwapo nito may mang-iiwan pa ba dito? Kung ako lang ang girlfriend nito...
Teka bakit ko ba yan iniisip? May girlfriend ako. Oo tama, kami pa ni Bea. Kailangan pa naming mag-usap.
Papakainin ko na ito nang matawagan ko na si Bea.
"Alyssa. Alyssa gising. Kain ka muna."
"Hmmmm?"
"Bangon ka saglit. Kain ka muna para makainom ka ng gamot."
"Dennise?"Sabi ni Alyssa tsaka bumangon at pinilit umupo.
"Oo. Sorry ha, pumasok ako sa kwarto mo. Nalaglag ka kasi kanina sa kama eh kaya--"
"Hala okay lang. Ikaw ba okay ka lang? Buti di ka nagkasakit."
"Eh hindi naman. Kasi pinalitan mo naman agad damit ko."
Pagkasabi nun ni Dennise ay namula ang mukha ni Alyssa dahil naalala niya ang nangyari. Dahil dun eh namula din ang mukha ni Dennise. Natahimik silang dalawa at nagkanya kanyang tingin sa kisame, pader, o kahit saan pa para lang kunwari di awkward.
D: "Uhm. Salamat pala."
A: "Para saan?"
D: "Sa paghanap mo sa akin. Naabala ka pa."
A: "Ano ka ba wala yun."
D: "Eto kain ka na para makapagpahinga ka na ulit."
Inabot naman ni Dennise kay Alyssa ang tray. Sinubukan naman ni Alyssa na kumuha ng pagkain pero nahihilo at nanghihina siya.
D: "Akin na nga."
A: "Hindi, kaya ko to."
Nahihiya kasi si Alyssa at kinakabahan siya kapag nalalapit si Dennise sa kanya. Pero hindi niya talaga kayang hawakan ang kutsara ng maayos.
BINABASA MO ANG
Behind These Walls
Fanfiction"Will you ever get to know the real me behind these walls?" Warning: SPG.