(18) Kumot

17K 343 7
                                    

Fille: "Dahil kay Gretchen."

Mae: "Ha? Bakit kilala mo din si Gretchen?"

Fille: "Ex ko yun."

Ella: "Ah ex lang pala."

1

2

3

E, M, D: "ANO?!?!"

Fille: "HAHAHAHAHA"

Ella: "Hoy baliw! Umayos ka!"

Mae: "Seryoso yun?"

Den: "Kailan naging kayo? Bakit kayo nagbreak? Kailan kayo nagbreak?"

Fille: "Hep hep hep. Mamaya na yan. O kaya bukas na lang dahil pupunta naman tayo sa bahay namin diba? Dun ko na lang ikukwento sa inyo."

Mae: "Sige na nga."

Ella: "Teka balik tayo sa usapan kanina. Ano nangyari? Bakit sinabihan ka ng ganun ni Bea?"

Den: "Kasi nagagalit siya dahil nga talo siya. Napahiya daw siya."

Mae: "Sobra! Nakakahiya kasi talaga siya noh."

Fille: "Diba captain ng volleyball team si Bea?"

Mae: "Oo. Kaya nga mas lalong nakakahiya. Pero hindi na siya ang captain ngayon, si Kim Fajardo na. Yun ang usapan nila ni Bea eh."

Fille: "Buti hindi nagquit si Bea sa team?"

Mae: "Hindi PA. Bukas pa ang training nila ulit eh. Pero Den, kahit naman natalo siya at napahiya, wala ka namang kinalaman dun. Kasalanan niya yun."

Den: "Yun nga sinabi ko sa kanya. Kaya sinabi niya sa kin kaya lang naman daw niya hinamon si Alyssa eh dahil malandi ako."

Naiiyak naman si Dennise nang maalala ang pagkakasabi ni Bea. Hindi niya rin alam bakit kahapon parang nawala sa isip niya ang sama ng loob niya kay Bea. Dahil ba kay Alyssa? Sa isip ni Dennise. Napansin naman ni Mae na naiiyak na ito kaya naman siya na ang nagtuloy.

Mae: "Sabi pa nga eh si Dennise pa daw ang may ganang maglandi eh pinagtityagaan lang daw niya si Dennise. Ang kapal talaga ng mukha nun grabe!"

Galit na galit na si Mae kaya naman sinubuan siya ni Ella ng cake.

Ella: "Chill ka lang Friend."

Mae: "Paano ako makakachill eh sinabihan ng ganoon itong friend nating isa na baliw!"

Fille: "So nagbati pa rin kayo after nun?"

Den: "Hindi niya naman kasi siguro sinasadya. Masama lang loob niya nun."

Ella: "Ayan sige Dennise. I-push mo yan ha?"

Mae: "Haaay sumasakit ulo ko talaga sa'yo. Nag-usap na ba kayo?"

Den: "Tumawag siya kahapon."

Mae: "Anong sabi?"

Den: "Sorry daw."

Ella: "Yun lang?"

Den: "Oo."

Napafacepalm na lang si Ella at Mae.

Fille: "Bakit parang okay ka naman kanina? May ganyan pala kayong drama?"

Ella: "Eh paano, stuck sila kahapon ni yummy sa condo. Oy di ka pa nagkukwento!"

Namula ang mukha ni Dennise nang maalala ang nangyari kahapon. Ang sweet gestures ni Ly tulad nung hinalikan siya nito sa noo. Ang abs nitong napagmasdan at nahawakan niya...

Behind These WallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon