(14) The Tshirt

16.8K 327 3
                                    

Kanina pa paikot-ikot si Alyssa sa couch pero hindi siya makatulog. Antok na antok na siya pero hindi dumidiretso sa panaginip ang mga iniisip niya.

Naalala niya si Dennise. Ang magandang ngiti nito kahit nakabraces. Ang nerdy glass nito na nakakadagdag ng pagkacute niya. Kapag nagpopout siya ay parang gusto niya itong halikan. Pababa sa makinis nitong leeg... pero habang nag-iimagine siya eh nakita niya si Bea na ginagawa ito kay Dennise kaya naman napadilat siya ulit.

Panira naman oh.

Umikot siya sa pagkakahiga.

Naalala niya si Bea na nakikipaghalikan sa iba sa bar. Habang si Dennise ay tahimik na natutulog sa condo nila ay may kasamang iba si Bea sa kama. Habang si Dennise ay nagdadasal para sa ikaliligtas ni Bea at ang ikagaganda ng relationship nila, si Bea nakaluhod sa harap ng ibang babae.

Nainis lang si Alyssa at lalong hindi nakatulog.

Umikot siya ulit sa pagkakahiga.

May naalala siya bigla. Sabi nila kung pipikit ka daw at hindi gagalaw for 7 minutes, makakatulog ka. Kaya ginawa ni Alyssa.

1 minute.

Naisip niya si Dennise. Ang maganda nitong ngiti.

2 minutes.

Si Dennise pa din iniisip niya. Ang maganda nitong mga mata.

3 minutes.

May nangangati sa batok niya. Pero tiniis niya.

4 minutes.

Iniisip niya pa din si Dennise. Tsaka si Bea. Naimagine niyang sinasapak niya si Bea. Yan ganyan dapat!

5 minutes.

Konti na lang!

6 minutes.

.
.
.
RING RING RING!

Galit na galit na nagring ang cellphone ni Alyssa at nagulat siya kaya nalaglag siya sa couch.

THUD

Kakamot kamot ng batok niyang kinuha ang cellphone sa ibabaw ng center table ni Gretch at tinignan kung sino ang tumatawag.

Unknown Number

Kapag ito scam lang talaga nga namang baka magwala ako dito. Sa isip ni Alyssa. Papikit pikit pa siya nung sinagot ang telepono.

"Hello?"

"Hello Alyssa?"

Napadilat naman si Alyssa sa narinig.

"Ella?"

"Oo si Ella to! Pasensya ka na sa abala ha. Nandiyan na ba sa condo niyo si Dennise?"

"Ay sorry nandito ako kayna Gretch eh."

"Ah ganun ba." Nasa boses ni Ella ang pag-aalala at pagtataka.

"Bakit, anong meron?"

"Tumawag kasi siya sa akin kanina eh mukhang lasing na siya. Mag-isa pa naman siya sa bar kanina. Hindi naman ako makaalis ng dorm dahil curfew na."

"Ha? Saang bar?" Nagulat si Alyssa kaya napatayo siya agad.

"Hindi ko rin nga alam eh."

"Sige hahanapin ko siya." Sabi niya habang hinahanap ang tsinelas sa ilalim ng couch.

"Jusko! Salamat Alyssa! Balitaan mo ko ha?" Ella felt relieved knowing Alyssa will look for Dennise. She did not know if Alyssa can and will find her, but Alyssa is the only one who can help her right now.

Behind These WallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon