(23) Secret Powers

17K 323 4
                                    

Pagkagising ni Dennise ay hindi siya bumangon agad.

Nakadilat lang siya at nakatitig sa kisame.

Kaya ko ba? Maiiwasan ba kita?

Inaalala ni Dennise ang pangako niya kay Bea na lalayo na siya kay Alyssa para maisalba ang relationship nila.

Haaaay. Sorry Alyssa pero kelangan ko tong gawin. Bakit kasi ang hot mo?

Napafacepalm si Dennise sa sarili niyang kalokohan.

Ayan tayo Dennise eh kaya tayo napapahamak eh!

Huminga siya ng malalim tsaka bumangon at lumabas ng kwarto para maligo.

Ang inaasahan niya sanang ngiti ni Alyssa na pampagising sa umaga ay...

.

.

.

.

.

.

.

Wala.

Walang tao sa living room.

Hala nasan na kaya yun?

Dumiretso sa CR si Dennise at wala namang tao. Pumasok na siya at naligo.

Paglabas ng banyo eh wala pa ding tao. Ang aga niya naman atang umalis if ever? O tulog pa siya?

Naglakad na lang siya papunta sa kwarto niya.

Pagkapasok sa loob eh nagbihis na siya at habang nagpapatuyo ng buhok eh inalala niya si Valdez.

Tahimik naman sa kwarto niya. Baka nga umalis ng maaga. Mabuti na yun di ako mahihirapang umiwas.

Umalis na si Dennise ng condo at pumunta na sa kanyang tambayan.

-----

Maagang nagising si Alyssa.

Maagang umalis ng condo si Alyssa.

Effort naman ang pag-iwas!

Pumunta na lang siya sa park malapit sa school nila dahil sarado pa naman ang tambayan niya pag wala siyang magawa.

Ang Coffee Library.

Oo, tumatambay siya dun. Pag weekdays. Madalas sa umaga kaya hindi sila nagkikita ni Fille. After lunch kasi pumupunta si Fille pag Monday to Thursday.

Pero dahil alam niyang mamaya pa magigising sina Gretch at ayaw niya namang magstay sa condo para nga makaiwas eh naisip niyang doon nalang tumambay sa maghapon.

Ayaw niya sanang makita si Fille pero naisip niyang bawasan ang mga iniiwasan niya sa buhay. Matagal na rin mula nung huli silang nagkita kaya hindi naman na siya galit dito.

Nakita niya ang mga naglalarong mga bata. May isang batang babae na nadapa at pinagtawanan nung iba. Lumapit ang isang medyo mas matandang babae at pinagtutulakan ang mga tumatawa atsaka itinayo ang maliit na bata.

Naalala niya si Maddie.

Kababata niya ito. Nagkakilala sila sa halos parehas na pagkakataon.

Flashback

Nagbabasa si Alyssa sa park (oo nerdy kid siya) sa ilalim ng puno. Nakasuot siya ng cap kaya boyish na siyang tignan noon pa man. Bigay kasi ito ng kuya niya kaya lagi niyang gamit. Tahimik siyang nagbabasa nang biglang may narinig siyang umiiyak.

Boy1: "Hahahaha lampa!"

Boy2: "Maddie iyakin! Maddie lampa!"

Behind These WallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon