BEEP BEEP BEEP!!
Mabuti na lang at nakapagpreno pa din si Dennise pati na rin ang muntik na niyang makabanggaan. Bumusina lang ito sa kanya tsaka sumigaw matapos ibaba ang bintana tsaka umalis.
Nanatili lang na nakaupo doon si Dennise.. tulala pero tumutulo pa rin ang mga luha.
Hindi niya na napansin ang mga ibang sasakyan sa likuran niya na busina nang busina. Isa-isa din naman itong nagsi-overtake. Nang maubos ang lahat ay nandun pa din si Dennise na nakatitig sa kawalan.
Bumalik lang siya sa katinuan nang may kumatok sa bintana niya.
Tok tok tok
Pinunasan ni Dennise ang mga luha sa pisngi niya bago niya binaba ang bintana.
"Okay ka lang?"
Pinunasan pa ulit ni Dennise ang mga luha sa mata niya dahil hindi niya makita ng maigi ang mukha ng lumapit sa kanya.
Nanlaki naman ang mata niya nang malaman kung sino ito.
Dennise: "Ahm oo okay lang."
Ara: "Sure ka? Nakita ko yung nangyari kanina kaya bumaba ako ng jeep, mukhang nanginginig ka pa. Umiiyak ka din ata?"
Dennise: "Hindi, okay lang ako."
Ara: "Alam ko hindi tayo magkakilala, pero hindi kita hahayaang magmaneho ng ganyan. Gusto mo tawagan natin mga kaibigan mo para ihatid ka pauwi?"
Dennise: "Hindi na.. okay lang ako."
Ara: "Dennise, right? I'm not sure if you know me, but I'm Ara. Dating kaibigan ni Alyssa. I have a feeling na you have an idea naman. Pero wala akong masamang intensyon ngayon, gusto ko lang tumulong. Alam kong hindi mo kayang magdrive, at kung ayaw mong tawagan yung mga kaibigan mo, ako na maghahatid sa'yo. And I'm not asking you. I'm letting you know. So lumipat ka na dun sa passenger side para makauwi ka na at makapahinga."
Sumunod na lang din si Dennise dahil alam niya namang tama ang sinabi nito na hindi niya na kayang magdrive. Ayaw niya na rin abalahin sina Ella dahil paulit ulit lang nitong sasabihin na tigilan na kasi ang kalokohan na ginagawa sa kanila ni Alyssa. Hindi naman siya maintindihan ng mga kaibigan.
Wala siyang ibang magawa kundi magtiwala kay Ara.
At hindi niya pa alam kung maganda ba yon o masama.
Pinaandar ni Ara ang sasakyan at sinabi ni Dennise kung saan siya nito ihahatid. Kumuha din siya ng tubig sa bag niya sa backseat.. at tahimik lang sila hanggang sa nahimasmasan na si Dennise.
Dennise: "Pasensya ka na ha.."
Ara: "Okay ka lang ba? Nasaktan ka ba sa nangyari kanina?"
Dennise: "Sa muntik ko nang pagkamatay? Hindi. Sa mga nakita ko? Oo."
Ara: "Ano bang nakita mo?"
Dennise: "I don't think you'd like to know."
Lumingon lang sandali si Ara kay Dennise at ngumiti ito sa kanya ng bahagya tsaka binalik ang tingin sa kalsada.
Ara: "So I guess this involves Bang."
Dennise: "Bakit parang okay lang sa'yo?"
Ara: "Hahaha! Hindi naman sa okay lang sa akin. Masakit din. Pero kung dun ba siya sasaya, eh hindi ko naman yun ipagkakait sa kanya."
Dennise: "Did you break up with her?"
Ara: "I did."
Dennise: "Why?"
BINABASA MO ANG
Behind These Walls
Fanfic"Will you ever get to know the real me behind these walls?" Warning: SPG.