(17) Huli Ka

14.2K 306 8
                                    

Patay-sindi ang ilaw. You can smell sweat, liquor, and sex in the air. The party has started and everybody is dancing their asses off.

Sa isang sulok ng bar ay naroon si Dennise. Nagkakasiyahan sila nila Ella at Mae, wala si Fille dahil hindi mahilig sa bar ito. Nakakarami na sila ng inom kaya naman nahihilo na si Dennise.

Mae: "Inom pa tayo!"

Ella: "Sige dali order ka pa. Tsaka isang crispy pata!"

Mae: "Hoy ikaw! Mas madami ka pang pinupulutan kaysa sa iniinom! Kami lang ni Dennise halos umubos nitong tower oh."

Natatawa tawa na lang si Dennise sa dalawa. Umorder pa nga sila ulit. Habang umiinom si Mae at Den ay kain naman ng kain si Ella.

Patingin tingin si Dennise sa phone niya dahil nag-aantay siya ng text kay Bea. Umalis kasi ito papuntang probinsya daw at di pa nagtetext na nakarating na ito. Nag-aalala na si Dennise. Pero ayaw niya naman itong itext nang itext baka mainis.

Mae: "Hoy tigilan mo nga yan. Nandito nga tayo para magsaya dahil wala si Bea tapos tingin ka naman ng tingin sa phone."

Den: "Hindi pa kasi siya nagtetext eh."

Ella: "Baka may kasamang babae."

Mae: "Ella!"

Nagpeace sign lang ito kay Dennise. Sa totoo lang ay kinabahan si Dennise sa sinabi ni Ella. Napansin ni Ella na nagbago ang mood ni Dennise kaya biniro niya ito.

Ella: "Hoy ikaw naman. Joke lang yun. May kasamang babae, yung nanay niya diba?"

Den: "Oo nga."

Mae: "Himala ata Dennise. Dati naman di ka apektado sa mga ganyang biro."

Den: "Di naman talaga ko apektado guys. Di gagawin ni Bea yun."

Nagtinginan na lang si Mae at Ella. Hindi nila alam ang gagawin kung sakaling malaman ni Dennise ang totoo. Dahil diyan ay napatungga sila ng isang basong alak. Pati si Ella. Tsaka inubos yung natitirang crispy pata.

Habang kumakain ay nanlaki ang mata ni Ella at nabilaukan. Binatukan siya ni Mae.

Mae: "Dahan dahan kasi!"

Ella: "Si ano kasi nakita ko kasama si ano!"

Mae: "Sino?"

Bumulong lang si Ella kay Mae at nanlaki din ang mata nito.

Den: "Sino guys?"

Mae/Ella: "Wala!"

Dahil ayaw sabihin ng dalawa eh hinayaan na lang ni Dennise. Nahihilo na siya para mag-isip pa.

Uminom na lang din ulit si Dennise. Naramdaman niya namang naiihi na siya kaya nagpaalam siya sa mga kaibigan at nagCR.

Den: "CR lang ako ha."

Mae: "Uhm samahan kita gusto mo?"

Den: "Ha? Bakit?"

Ella: "Baka kasi makita mo si B---"

Hindi natapos ni Ella ang sasabihin dahil tinakpan ni Mae ang bibig nito.

Mae: "Wala Den. Sige CR ka na. Bilisan mo ha."

Nagtataka man si Dennise eh hinayaan niya na lang dahil naiihi na talaga siya.

Den: "Okay."

Naglalakad na siya papunta sa CR nang parang bigla siyang kinabahan. Hindi niya na lang pinansin dahil baka lang sa dami ng nainom niya.

Pagpasok niya sa women's comfort room ay lumapit muna siya sa salamin. Tinignan niya ang sarili. Nakaeye glasses at braces. Maputi naman siya at makinis pero hindi siya gaanong marunong mag-ayos. She ties her hair at the back neatly, but somehow gives her a nerdy impression overall. But Dennise just wants it simple and clean, so she doesn't mind.

Behind These WallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon