"Care to explain, Valdez?"
Nakataas ang kilay pa rin ni Dennise habang nakatitig kay Alyssa na parang tulala at di alam kung anong nangyari. Ang alam niya lang hawak ni Dennise ang phone niya.. at baka may nabasa o nakitang kung ano man doon kaya ito nagagalit.
Alyssa: "Anong meron honey?"
Sabi ni Alyssa sa pinakamalambing at mabait na tono na kaya niya.
Dennise: "Umamin ka nga, may babae ka?"
Fille: "Grabe naman Alyssa."
Ella: "Akala ko nagbago ka na."
Mae: "Sana di na namin kayo tinulungan ni Dennise."
Alyssa: "Hala teka! Hindi totoo yan ah! Wala na kong ibang tinignan pang babae mula nung nagseryoso ako kay Dennise."
Fille: "Sigurado ka?"
Ella: "Mamatay man si Gretch?"
Gretch: "Hala bakit ako?!"
Mae: "Mamatay man si Kim?"
Kim: "Ayan tayo nadamay pa kami eh."
Maddie: "Pare-pareho kasi kayong mga babaero."
Gretch: "Oy behave kaming lahat ah."
Alyssa: "Oo nga! Alam niyo namang busy ako sa training, hatid-sundo ko naman si Dennise, wala naman akong pinupuntahan na hindi niyo alam tapos ganyan. Mamatay man ako ngayon na, wala talaga!"
Nakataas pa ang kamay ni Alyssa na parang nangangako na totoo ang sinasabi niya.
Tsaka naman nagtawanan sina Dennise, Ella, Maddie, Mae, at Fille.
Nakakunot lang ang noo ni Alyssa, Gretch, Kim, at Marge.
Kim: "Uhmm. Sigurado pa ba kayo diyan sa mga chicks niyo? Mga baliw na ata eh."
Marge: "Magtigil ka diyan ah. Palibhasa alam mong wala kang pag-asa diyan kay Mae at Maddie eh kaya ganyan ka."
Kim: "Eh di ko din naman sila type no! Lalo pa ngayon mga baliw na ata."
Alyssa: "Uhmmm Honey? Anyare?"
Tawa pa rin ng tawa sina Dennise kaya napakamot na lang ng ulo yung apat na walang alam sa nangyayari.
Maddie: "Loko ka Dennise parang takot na takot sila oh."
Dennise: "Eh di naman sila dapat matatakot kung wala silang ginagawang masama diba?"
Fille: "Kaya kayong apat, magtino-tino kayo kasi kung hindi, malalagot kayo sa aming lima!"
Gretch: "Ano ba nangyari babe?"
Fille: "May tumawag kasi dito kay Alyssa."
Alyssa: "Ha? Sino?"
Kanina kasi bago sagutin ni Dennise ang phone eh pumasok ito sa kwarto tsaka naman tinawag sina Ella, Mae, Maddie, at Fille.
Mae: "Hulaan mo."
Alyssa: "Teka teka. Sinagot niyo yung tawag.. sa phone ko?"
Si Alyssa naman ang nagtaas ng kilay.
Napangiti sina Gretch, Kim, at Marge. The table has turned.
Ella: "Ah eh. Hindi ako. Si Dennise."
Fille: "Ano kasi baka emergency."
Mae: "Oo nga, baka kasi mahalaga eh nasa CR ka kaya pinasagot namin kay Dennise."
BINABASA MO ANG
Behind These Walls
Fanfiction"Will you ever get to know the real me behind these walls?" Warning: SPG.