Hatak-hatak ni Bea si Dennise papasok sa condo ni Alyssa. Galit na galit ito at mahigpit ang pagkakahawak kay Dennise. Nasasaktan na si Dennise pero hindi ito binibitawan ni Bea.
Tok tok tok
"Hoy Valdez lumabas ka diyan!"
"Sandali lang."
Narinig ni Dennise na sigaw ni Alyssa mula sa loob. Nagtataka man si Alyssa bakit nandoon si Bea eh hindi niya pa mabuksan ang pinto.
"Ngayon na lumabas ka! ngayon na!"
"Sandali lang nga."
Mahigpit pa rin ang hawak ni Bea sa braso ni Dennise. Hindi naman lumalaban si Dennise dahil baka masigawan na din siya ni Bea. Alam niya itong ugali niya kapag galit.
Nainip naman si Bea at sinipa ang pinto ng kwarto ni Alyssa. Bumukas naman ito. Pare-parehas silang nagulat sa nakita.
Nakasports bra lamang si Alyssa. Her lean shoulders are on display, as well as her well-toned abs. She was just about to wear her shorts, nakasuot na ang mga paa niya dito pero hindi niya pa naaangat. Kaya naman naka-underwear pa lamang siya at kitang kita ito ni Bea at Dennise.
Ngumiti lang si Alyssa sa dalawa. Hindi naman siya nahihiya sa tuwing may makakakita sa kanya pag nakaganito. At least nakaunderwear na siya diba.
Napanganga si Dennise sa nakita. Oh shit ang hot niya pala.
Si Bea naman ay lalong nagalit sa nakita. Dahil sa gulat ay hindi siya nakakilos agad, nang makabawi ay agad niyang sinara ulit ang pinto.
"Bilisan mo diyan at mag-uusap tayo!" Sigaw ni Bea na ayaw magpahalata na napahiya siya. Hindi niya naman napansin si Dennise na namumula sa tabi niya dahil sa nakita.
Makaraan ang ilang minuto ay lumabas na si Alyssa na nakasando at shorts na.
"Anong kailangan mo?"
"Hoy ikaw. Kung akala mo makukuha mo girlfriend ko sa pinaggagagawa mo eh nagkakamali ka! Yang pagrampa rampa mo ng katawan mo eh wala kang mapapala kahit maghubo't hubad ka sa harap ni Dennise! Kung ano man kasunduan niyo ng tatay mo para mapapayag mo siyang gawin to eh itigil mo na dahil wala namang patutunguhan! At pwede ba, humanap ka na lang ng ibang lalandiin dahil akin lang si Dennise!" Sigaw ni Bea dirediretso kay Alyssa.
Nagalit kasi ito kanina nang ikinuwento ni Dennise na nagkausap ang dalawa at parang mabait naman daw si Alyssa kay Dennise. Uminit ang ulo niya dahil nagmumukha siyang sinungaling (kahit totoo naman) at tingin niya gusto ni Alyssa si Dennise (na alam nating totoo naman pero walang kinalaman sa sitwasyon nila).
Napafacepalm si Dennise sa sinabi ni Bea dahil alam niyang walang sense ang sinabi nito. Si Alyssa naman ay nakatingin lang sa kamay ni Bea na mahigpit na mahigpit na nakakapit sa braso ni Dennise at alam niyang nasasaktan na ito dahil namumula na ang paligid nito.
Ngumiti siya kay Bea tsaka nagsalita.
"Una sa lahat, IKAW ang sumipa ng pintuan ng kwarto ko kanina. Hindi ko kailanman ninais na makita niyo akong hindi pa nakabihis, lalo na ikaw."
"Pangalawa, hindi ko ginustong madamay si Dennise dito. No offense, pero mas magiging masaya nga ako kung sa akin lang ang condo na ito at walang magbabantay sa akin."
"Pangatlo, I will never get involved with someone who is in a relationship. NEVER. Marami namang single sa mundo."
Pagkasabi ni Alyssa noon ay lumabas si Laura sa banyo na nakatapis lang. Narinig niya ang usapan kaya naman naisipan niya nang lumabas para mapahiya si Bea. Finiflirt din kasi siya nito pero dahil alam nga niyang taken eh hindi niya pinagbigyan. Sa isip niya, ang kapal ng mukha nitong magsalita ng ganyan e siya nga yung malandi.
"Hey babe. Kapag tapos na kayo diyan, pasok ka na ng room ha. Don't keep me waiting." Sinabi ni Laura habang hinihimas himas ang braso ni Alyssa. Tinignan niya ng nakakaloko si Bea at si Dennise tsaka pumasok sa kwarto ni Alyssa.
Tumingin si Alyssa kay Bea na namumutla na. Pahiya ka ngayon?
Tumalikod na siya pero may naalala pa siyang sabihin.
"Lastly, I treat my girls like princesses. Please do not hurt her like what you are doing right now."
Hindi nakasagot si Bea dahil kanina pa siya pahiyang-pahiya at kinabahan din siya nang makita si Laura.
Si Dennise naman nakatulala. Manghang-mangha siya sa inasta ni Alyssa. Kahit bastos si Bea ay hindi niya ito pinatulan. Parang napakamagalang nitong tao. Okay na sana kaso biglang may babae palang kasama. Ano ka ba Dennise, katabi mo si Bea oh!
Pumasok na si Alyssa sa kwarto. Sa sinabi niya parehas niyang ibig sabihin ang pagkakahawak ni Bea sa braso ni Dennise tsaka ang ginagawa nitong pambababae. Umupo siya sa kama at naramdaman niya namang may nagmasahe sa likod niya.
"That was intense."
"Nah. Alam mo namang walang panama yun sa kin eh." Sa harap ng ibang tao may parang ibang personality si Alyssa. She appears like she has a strong personality: confident and secure. But those who know her know she is just wearing a mask. Something she started doing 2 years ago.
"Saan banda? Hahaha"
"Sa lahat. Sa pagsagot, sa sports.. tsaka sa kama."
"Talaga?" Sabi ni Laura na medyo seductive ang tono.
"Yes, baby." Sagot naman ni Alyssa.
"Then show me." Sabi ni Laura tsaka kumandong kay Alyssa.
-----
Congrats PLDT! Hehehe Congrats pogi A dahil MVP ka na naman. Isang powerhug galing kay D este sa amin! :)
#paypaypamore
#AlyDenFitForLife
#Happy26thAD
.
.
.
KasoMay bago sa #GalawangDencio
#RelationshipGoals
Panira!
BINABASA MO ANG
Behind These Walls
Fanfiction"Will you ever get to know the real me behind these walls?" Warning: SPG.