(42) Let her go

11.8K 220 27
                                    

***Rewind to 2 days ago***



"Gutom na ko."


Pinalo ni Mae si Ella.

Mae: "Alam mo ikaw, puro yang tiyan mo inuuna mo."

Ella: "Eh sa nagugutom na nga ako! Kanina pa kaya tayo dito. Eh kung bumaba na lang sana tayo kanina pa eh nakakain na ko at nakapagpaalam pa itong baliw na babae na ito kesa nag-iiiyak dito."

Mae: "Dapat kasi nagbaon ka na lang ng pagkain mo! Parati ka namang gutom diba?"

Ella: "Nagbabaon ako ng pagkain kaya. Pero nauubos ko din agad eh. At gutom na ko ulit!"

Mae: "Ay ewan ko sa'yo. Ang sakit mo sa ulo. Mas masakit ka pa sa ulo kesa dito kay Dennise."

Hindi pinansin ni Dennise ang dalawang kaibigan niyang dumadaldal sa harap ng sasakyan. Alam niya namang inaasar lang siya ng dalawa para magsalita na siya pero ayaw niyang magpaliwanag sa kahit na kanino.

Maaga silang dumating sa airport, bago pa dumating ang buong team nina Alyssa. Nakita niya pa ang mga ito na bumaba ng bus. Nang makita ni Dennise si Alyssa na bumaba na nakashades at lilingon lingon.. halatang may hinahanap eh pinigilan ni Dennise ang sarili niya na tumakbo palabas ng sasakyan at yakapin ng mahigpit si Alyssa.

Nagtext na si Kim sa kanya na nakaalis na ang eroplano nila.. at tinanaw na lang ni Dennise ang eroplanong kakalipad lang hanggang sa mawala ito sa paningin niya.

Pinaglalaruan niya lang sa daliri niya ang singsing na suot niya. Ang singsing nila ni Alyssa.

Please come back to me. Sa isip ni Dennise.

Ella: "Pwede na ba tayong umalis? Mamamatay na ko sa gutom."

Mae: "Pwede na siguro. Umalis na daw yung eroplano."

Den: "Sige tara na."

Nagulat ang dalawa nang biglang sumagot si Dennise. Lumingon si Ella dito at kita niyang namamaga ang mata ng kaibigan niya habang nakatanaw lang sa labas at nilalaro ang singsing na nakasuot sa kanya.

Hindi niya maintindihan kung ano ang ginagawa ng kaibigan.. pero hindi niya rin naman gustong nahihirapan ito. Umaasa na lang sila ni Mae na may magandang dahilan si Dennise sa ginagawa niya. At sa ganitong panahon, alam niyang kailangan siya ng kaibigan kaya susuportahan niya pa din ito.

Ella: "Sure ka? Okay lang naman ako magutom para pumayat ako ng konti, maging mas sexy na ko sa'yo."

Den: "Oo sige na tara na."

Lumingon si Ella kay Mae at ngumiti lang ito ng kaunti sa kanya. Nagkaintindihan na sila. Alam nilang kailangan nilang alagaan ang kaibigan. Nagpaandar na ng sasakyan si Mae at naghanap ng magandang radio station si Ella.

Natapat ito sa isang kanta na naaalala ni Dennise.


Ngayo'y aking inuunawang pilit
Mga pagkukulang kong iyong ginigiit
Sana'y malaman mo na
Tanging ikaw lamang ang aking
Iniintindi


Napapikit siya at naalala ang huling pag-uusap nila ni Alyssa.


Flashback (Dennise's POV)

Dahan dahan na naglakad si Dennise papunta sa condo nila ni Alyssa. Ilang beses niyang pinaalala sa sarili ang gagawin at hindi niya gagawin pagkadating niya doon. Huminga siya ng malalim para pakalmahin ang sarili.

Behind These WallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon