Mamayang gabi pa dadating si Justine dala ang mga gamit niya kaya naisipan na lang ni Dennise na umalis at pumunta sa condo ni Bea.
Lumabas siya ng kwarto niya at nakitang nakasara lang ang kwarto ni Alyssa at malamang nasa loob ito, kaya umalis na lang din siya nang hindi nagpasabi.
Pagkadating niya sa condo ni Bea ay pumasok na siya agad dahil may susi naman siya. It took her 3 months to ask for that key because Bea always had reasons to not give it to her. Kesyo bawal daw sabi ng guard pero nung nagtanong siya okay lang naman daw. Kesyo ayaw ng parents niya pero nung tinanong niya okay lang naman daw. Kesyo nagkandaloko loko sa paduplicatean kaya siya na ang nagpaduplicate kasama si Bea.
Nang makapasok ay nakita niya si Bea na kakalabas lang ng banyo at mukhang kakaligo lang. Nanlaki ang mata nito nang makita siya.
"D-dennise? Ba--bakit ka nandito?"
"Diba sabi ko sa'yo mag-uusap tayo ngayon? Bakit parang gulat na gulat ka?"
"Sabi mo baka hapon ka pa makapunta."
"Eh wala akong magawa dun kaya pumunta na lang ako dito."
Napansin ni Dennise na parang kinakabahan si Bea kaya nagtanong siya.
"May problema ba?"
"W-wala naman bae. Dito ka lang ha, bihis lang ako."
Nagmadali namang pumunta si Bea sa kwarto niya at nagsara ng pinto.
Weird. Usually naman kapag ganito gusto niya pa ngang nagbibihis sa harap ko. Malandi kasi yun.
Umupo naman si Dennise sa couch at nagbukas ng tv. Inantay niya lang si Bea na lumabas ng kwarto.
"Sssshhh asfsgdhdjfjf."
Narinig niya galing sa loob ng kwarto ni Bea. Akala ni Dennise siya ang kinakausap kaya sumagot siya.
"May sinasabi ka, bae?"
"Ahh w-wala bae."
Binalik ni Dennise ang atensyon sa tv at nag-antay lang. Naisip niya naman si Alyssa. Naalala niya ang sakit sa mata nito nang pagsalitaan niya ito kanina ng kung ano. Kung umasta nga ito kanina ay parang ang bait bait nito. Hinusgahan ko ba siya agad? Mali ba ko ng alam tungkol sa kanya?
Natigil naman sa pag-iisip si Dennise nang marinig na bumukas at sumara ang pintuan ng kwarto ni bea ng mabilis. Nagtataka na nga siya kung bakit hindi siya niyayaya nito sa kwarto samantalang doon naman siya lagi dinadala nito noon kahit mag-uusap lang sila.
"Tara kain tayo sa labas bae."
"Wala ka bang pagkain dito? Luto na lang tayo."
"Wag ka na makulit bae, gusto ko kumain sa labas."
"Okay. Tara."
Papalabas na sana ang dalawa nang may marinig na parang nalaglag galing sa kwarto ni Bea. Tinignan lang ni Dennise si Bea na parang namumutla.
"Ano yun Bae?"
"Ahhh. Uhmm. Wala yun bae. Baka hinangin lang."
"Iniwan mo bang bukas ang bintana mo na naman? Isara na natin baka manakawan ka."
"Uhhm di na bae. Okay lang yun. He. He. Tara na gutom na ko eh."
"Sigurado ka?"
"Oo. Paulit ulit ka naman eh. Tara na ng kasi."
Saka hinila ni Bea papalabas si Dennise at kahit gusto pa sanang bumalik ni Dennise para sa bintana ni Bea eh wala na siyang nagawa.
----------
BINABASA MO ANG
Behind These Walls
Fanfiction"Will you ever get to know the real me behind these walls?" Warning: SPG.