(44) Make It Right

12.6K 275 25
                                    

Nagtatatakbo si Dennise at Ara papasok ng hotel na tinutuluyan nina Alyssa at Bang. Hindi na nila pinagtuunan ng pansin ang mga ibang tao na masama ang tingin sa kanila o kaya ay natatawa dahil pawis pa sila at dahil nga tumatakbo sila sa isang sosyal na hotel.

Dire-diretso sila galing sa playground, papunta sa drive thru ng McDo dahil gutom si Dennise at gusto niya ng fries, papunta sa airport. Maswerte naman silang hindi nila kinailangan maghintay ng matagal para sa flight dahil may kakilala si Ara na tinawagan niya kanina at inayos na ang lahat para sa kanila.

Tinext ni Dennise si Kim na papunta siya at nalaman nila kung anong room nandoon ang dalawa. Bumalik na daw ito mula nang umalis kanina, at hindi pa ito nakakausap ni Kim. Nagulat pa sila nang malaman na magkaroom ang dalawa, pero sabi ni Kim ipapaliwanag niya na lang mamaya.

Tumingin muna si Ara kay Dennise nang hawak niya na ang door knob.

Ara: "Are you ready?"

Tumango si Dennise sa kanya at huminga sila ng malalim tsaka binuksan ang pintuan.

Dahan dahan pa niyang binuksan ang pinto, sabi ni Dennise sa sarili ay babatukan niya si Ara pagkatapos nilang kausapin sina Alyssa.

Nalaglag ang panga ng dalawa nang makita ang loob ng kwarto.


----------


*REWIND*

< sorry, sana hindi kayo malito. sneak peek lang yung kanina. :) >


Nang umalis si Dennise at Ara sa playground ay hindi nila napansin na may isang tao na nakakita sa kanila pagkadating pa lang ni Dennise. Dahan dahan itong pumwesto sa bench na malapit sa inuupuan nila. Nakatalikod naman siya kaya hindi siya napansin ng dalawa, at dahil na rin sa parehas silang madaming iniisip ay hindi sila aware sa mga nangyayari sa paligid. Nang makalapit ay narinig din nito ang mga pinag-usapan nila.

Tatawag na sana siya ngunit tinawag na siya ng mga kaibigan niya, kaya't mamaya niya na lang tatawagan si Bea.

Umalis na sila sa playground at nagpunta siya sa apartment kung saan siya nakatira.

Pagkapasok niya sa loob ng kwarto niya ay binato niya ang bag niya sa kama tsaka siya umupo dito. Kinuha niya agad ang cellphone sa bulsa, tsaka tumawag.


Ring ring ring

Bea: "Hello? Jho? Napatawag ka?"

Jho: "I can't believe you!"

Bea: "What? Ano na namang problema mo? Bakit mo ko sinisigawan?"

Jho: "I told you to stop Bea! I can't believe you! Ganyan ka na ba kadesperado? Napakasama mo! Nananahimik na sila, bakit ginugulo mo pa!"

Bea: "Stop what?! Sinong tinutukoy mo? Naguguluhan ako Jho. Hindi kita magets."

Jho: "Stop trying to ruin Alyssa and Dennise! I know you've been sending pictures to Dennise. Hindi ko alam ang iba mo pang ginawa, pero alam kong pinlano niyo to nung Bang!"

Natahimik sandali si Bea sa kabilang linya. Tila nagbuntong hininga muna ito bago sumagot ulit.

Bea: "That's none of your business Jho."

Napapikit si Jho at huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili.

Jho: "Ano bang gusto mo? Gusto mo ba talaga si Dennise?"

Behind These WallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon