(28) Deja vu

16.3K 296 14
                                    

Nag-aayos ng collar si Gretch na nasa harapan ng salamin at si Alyssa naman ay nasa loob ng cubicle para umihi.

Katatapos lang nilang magbody shots kasama and mga chicks nila. Pampainit lang muna. NagCR ang dalawa para medyo kumalma. Nakarami kasi sila ng inom eh.

Gretch: "Pare kay Rachel ka ba nakascore nung nakaraan? Yung super duper hot kamo?"

Alyssa: "Oo pre. Grabe yun, may pagkawild kasi yung babaeng yun. Sinamahan ba naman kasi ako sa pagligo."

Gretch: "Kaya naman pala. Hahaha paano yan, paano si Wensh?"

Alyssa: "Ewan pre. Pwede namang silang dalawa."

Nag-apir ang dalawa.

Gretch: "Nice!"

Bigla namang bumukas ang pintuan.

Maddie: "Hoy kayong dalawa, hindi niyo ba naiisip na nandiyan sina Dennise at Fille?"

Gretch: "Ano naman?"

Maddie: "So maglalandi kayo sa iba sa harap nung dalawa?"

Alyssa: "Why not? Di naman namin sila jowa."

Maddie: "Teka nga. Nakailang shot na kayo?"

Gretch: "7 baby girl. And we're ready for some action!"

Napafacepalm si Maddie.

Kung nagtataka kayo bakit ganito si Maddie kay Alyssa eh... ganito kasi yan. Nung mga nakaraang araw na malungkot kasi si Alyssa at Gretch eh sinasamahan niya ang dalawa sa pag-inom. Siya pa nga nag-aalaga. One time nalasing si Alyssa.

Alyssa: "Alam mo baby, yang si Dennise baliw yan eh. Oo din niya sinabi na gusto niya ko, pero ganun naman pinaparamdam niya."

Maddie: "Ly lasing ka na. Bukas mo na problemahin si dennise. Tulog ka na."

Alyssa: "Thank you baby ha. Buti na lang andito ka. Kaya mahal na mahal ka namin ni Gretch eh. We're always here for you baby sis. Pag may nanakit sa'yo sasabihin mo sa kin ha?"

And at that moment she knew. Alyssa will only always see her as a baby sister. And she understood. And she accepted it.

Sa kasalukuyang sitwasyon na nasa banyo sila eh nakikita niyang may tama na ang dalawa. Bahala na. Sa isip ni Maddie.

----------

Naiwan sa table si Michelle, Rachel, at Wensh.

Si Michelle painom inom lang. Chill lang. Wala naman kasi siyang kaagaw. Sa ngayon.

Si Rachel at Wensh nagtititigan pa din.

Wensh: "Rachel, it's my birthday."

Rachel: "Well, happy birthday. Hahaha hindi mo ko madadaan sa ganyan."

Wensh: "I know. Kaya nga I want to have a deal with you na lang."

Rachel: "Okay? Tuloy mo yan."

Wensh: "Instead of fighting over Alyssa, can we just share?"

Rachel: "Paanong share?"

Wensh: "Let me have her here at the bar. And you can take her home."

Rachel: "Pwede rin. I believe in her naman, di naman siya madali mapagod. Hahaha"

Wensh: "Kaya nga. And we all know mas magaling siya pag mas marami na ang naiinom. So that gives you a better experience."

Rachel: "Sige lang. Di naman ako nagmamadali."

Behind These WallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon