Rewind bago umuwi si Alyssa
Matagal tagal din ang hinintay niya para sa araw na ito. For two years.. nakikibalita lang siya kay Alyssa.
Malaki ang naging pagsisisi niya sa kinahinatnan nilang dalawa. Alam niyang tunay na mahal na mahal siya ni Alyssa noon.. at sobra sobra niya itong nasaktan sa ginawa niya.
Ara: "Relax ka lang."
Sabi ni Ara pagkatapos itabi ang sasakyan. Hinawakan niya ang malamig na kamay ni Bang.
Bang: "Paano kung sigawan niya ko? Paano kung galit na galit siya? Paano kung--"
Ara: "Naniniwala ka bang kaya niyang gawin yan?"
Alam ni Bang na sobrang bait ni Alyssa noon pa man. Kahit kailan hindi siya nito sinaktan. Hindi rin ito mahilig makipag-away pwera na lang kung para sa mga kaibigan.
Ara: "O diba? Kilala mo naman siya. Hindi ka sasaktan nun. Malay mo dumating na sa wakas ang araw na inaantay natin."
Bang: "Sana nga. Hindi ka talaga sasama?"
Ara: "Hindi na. I believe that you two need to talk."
Bang: "Pero.."
Ara: "I understand. Malaki din naman ang kasalanan ko sa kanya. And I trust you."
Bang: "Thank you."
Ara: "Naniniwala akong hahanap hanapin mo ko lalo na pag malamig ang panahon."
Nainis ng konti si Bang dahil puro init ng katawan na lang ang nasa isip ni Ara. Kumindat pa ito sa kanya. Dati rati kinikilig ar naeexcite pa siya sa ganun. Ngayon parang nakakairita na.
At bumaba na si Bang sa sasakyan at kumaway pa kay Ara na papaalis na. Nagkita sila ni Alyssa sa dati nilang tagpuan. Sa may ilalim ng puno kung saan sila laging kumakain nila Kim noong highschool pa sila.
Naglalakad pa lang siya papalapit doon nang makita si Alyssa na nakaupo sa ilalim ng puno.
Malaki na ang pinagbago ni Alyssa sa paningin ni Bang. Ang noon na medyo patpatin na Alyssa eh sobrang fit na ngayon. Yung dating mahiyain eh confident na ngayon. Mas gwapo.. at hot na si Alyssa ngayon. Naaalala niya pa nung nanood sila ni Ara ng laban ni Bea at Alyssa..
Flashback
Nang hubarin ni Alyssa ang suot niyang sweater eh nakita ni Bang na suot na muli ni Alyssa ang phenom jersey niya.
Maiyak iyak na siya sa tuwa.
Bang: "Finally Alyssa. Slowly but surely."
Hinigpitan ni Ara ang pagkakahawak sa kamay niya at ngumiti sila sa isa't isa. Nagtatago lang sila sa isang gilid ng gym dahil ayaw niyang makita sila ni Alyssa o ni Kim.
Nahirapan din ang dalawa sa nangyari dahil nga pinag-usapan sila sa school kaya lumipat sila ng university. Si Ara wala naman masyadong pakialam. Si Bang nagiguilty.
Nang makitang nahihirapan sa receive si Alyssa eh bumalik sa kanya ang alaala nung tinuturuan niya si Alyssa dati. Kung gaano ito kacute kapag maaabot niya na sana ang bola pero kinapos siya ng ilang saglit lang at hindi tumama. Kung gaano ito kacute na nagdadabog pag pagod na siya pero ayaw pa din siyang patigilin sa practice.
May kirot sa puso niya nang maalala ang pagsasama nila ni Alyssa noon. It was innocent and sweet young love.
Lumingon siya kay Ara at tinignan ito ng maigi. Was it all worth it?
BINABASA MO ANG
Behind These Walls
Fiksi Penggemar"Will you ever get to know the real me behind these walls?" Warning: SPG.