Matapos ang klase ni Dennise ay lumabas siya para hanapin si Bea pero wala ito. Naisipan niya itong tawagan pero di ito sumasagot.
Ella: "Besh tara lunch."
Den: "Sabay daw kami lunch ni Bea ngayon eh."
Mae: "Wow umaasenso. Eh nasan na?"
Den: "Ewan ko nga eh."
Ella: "Itext mo na lang na magkita kayo sa cafeteria. Tara na."
Den: "Okay."
Naglakad naman nga ang tatlo patungong cafeteria at nakitang wala nang bakanteng upuan. Ang natitirang lamesa na medyo may space ay ang kayna Alyssa, Gretch, at Maddie. Pang-anim ang lamesa pero tatlo lang sila doon.
Ella: "Hala puno na. Bakit ngayon pa? Gutom na ko!"
Mae: "Lagi ka namang gutom eh!"
Ella: "Ano naman? Eh kailangan ko na makakain, mangangayayat ako nito!"
Mae: "Eh di mabuti nga yun!"
Ella: "Ano bang problema mo sa kin ngayon ha?"
Mae: "Wala naman. Sige na nga para makakain ka na, makishare na lang tayo dun sa table nila yummy. Diba Den?"
Den: "Hala! Hanap na lang tayo ng iba."
Ella: "Besh gutom na ko maawa ka huhu"
Den: "Bahala ka diyan ah. Tsaka inaantay ko lang si Bea---"
Mae: "Okay let's go!"
Bago pa makareklamo si Dennise eh nakalakad na papalayo si Ella at Mae at papunta na sa table nina Alyssa. Kahit naman sikat ito sa school eh hindi naman sila yung tipong 'untouchable'. Friendly pa din naman sila.
Ella: "Hi Alyssa, Gretch, and Maddie! Pwede makishare ng table? Gutom na ko eh!"
Maddie: "Sure!"
Ngumiti lang din naman si Alyssa at Gretch. Ibinaba naman ni Mae at Ella ang tray nila ng pagkain. Si Dennise naiwang nakatayo sa di kalayuan. Naramdaman niyang may nagtext at nakita niyang sabi ni Bea ay hindi pala ito makakasabay na maglunch. Sabi ko na nga ba. Buti na lang sumama ako kayna Ella. Sa isip ni Dennise.
Ella: "Besh! Halika na kaya dito?"
Naglakad naman si Dennise palapit sa lamesa nila at nakatingin lang kay Alyssa. Nakangiti ito sa kanya at nararamdaman niyang nanghihina ang tuhod niya.
Mae: "Ano, may prusisyon ba? Bakit ang bagal mo?"
Sabi ni Mae nang makarating si Dennise sa lamesa. Binaba niya ang tray at umupo. Wala nang ibang seat kundi yung harapan siya ni Alyssa. Kinindatan lang ni Ella si Dennise. Ang pwesto nila ay ganito.
Mae - Gretch - Alyssa
Ella - Maddie - DenniseDen: "Ewan ko sa inyo."
Gretch: "Hi Dennise."
Den: "Hi."
Gretch: "Balita ko kasama ka sa condo ni Alyssa?"
Nagulat naman si Dennise na kinwento ito ni Alyssa sa mga kaibigan niya. Akala niya ikakahiya siya nito. Akala niya tipong secret lang yun sa kanilang dalawa dapat.
Den: "Ah oo."
Maddie: "Bantayan mo yan ha. Marami pa namang malalandi sa mundo."
Gretch: "Wag mo ngang itulad si Alyssa kay ano."
BINABASA MO ANG
Behind These Walls
Fanfiction"Will you ever get to know the real me behind these walls?" Warning: SPG.