(45) Behind Those Walls

30.6K 432 129
                                    

Nagtatatakbo si Dennise at Ara papasok ng hotel na tinutuluyan nina Alyssa at Bang. Hindi na nila pinagtuunan ng pansin ang mga ibang tao na masama ang tingin nila o kaya ay natatawa dahil pawis pa sila at dahil nga tumatakbo sila sa isang sosyal na hotel.

Dire-diretso sila galing sa playground, papunta sa drive thru ng McDo dahil gutom si Dennise at gusto niya ng fries, papunta sa airport. Maswerte naman silang hindi nila kinailangan maghintay ng matagal para sa flight dahil may kakilala si Ara na tinawagan niya kanina at inayos na ang lahat para sa kanila.

Tinext ni Dennise si Kim na papunta siya at nalaman nila kung anong room nandoon ang dalawa. Bumalik na daw ito mula nang umalis kanina, at hindi pa ito nakakausap ni Kim. Nagulat pa sila nang malaman na magkaroom ang dalawa, pero sabi ni Kim ipapaliwanag niya na lang mamaya.

Tumingin muna si Ara kay Dennise nang hawak niya na ang door knob.

Ara: "Are you ready?"

Tumango si Dennise sa kanya at huminga sila ng malalim tsaka binuksan ang pintuan.

Dahan dahan pa niyang binuksan ang pinto, sabi ni Dennise sa sarili ay babatukan niya si Ara pagkatapos nilang kausapin sina Alyssa.

Nalaglag ang panga ng dalawa nang makita ang loob ng kwarto.

Si Bea, Bang, at Alyssa.

Si Bea nasa may gilid.. may hawak na bulaklak.

Si Bang at Alyssa nakatayo sa gitna.

Napalingon ang dalawa nang bumukas ang pinto.

Bang: "Ara?"

Alyssa: "Dennise?"

Walang nakapagsalita sa kanilang lima.

Hindi maintindihan ni Ara at Dennise ang nangyayari.

Nakangiti lang si Bang at Alyssa.

Naglakad si Bang papunta sa pinto.. papunta kay Ara. Siya kasi ang naunang pumasok, nasa likod niya lang si Dennise.

Bang: "I'm sorry. I'm sorry to both of you."

Ara: "Bang? What's this?"

Bang: "I'm really sorry. Kami ni Bea."

Lumingon ang dalawa sa direksyon ni Bea.

Bea: "Yup. Peace!"

Ngumiti lang ito tsaka nag-peace sign.

Bang: "Seryoso siya niyan. Pero sorry nga talaga. I've been really stupid lately. I know I hurt you.. I know you'd find it hard to trust me this time.. but I will do whatever it takes to make you take me back. I'm hoping that you could give me another chance, babawi ako sa'yo promise. Let's start over, Ara."

Tumingin si Ara kay Dennise at ngumiti lang si Dennise sa kanya. Kahit na ba masama ang loob ni Dennise kay Bang dahil sa mga ginawa nito ay gusto niyang sumaya ang bago niyang kaibigan na si Ara. Alam niyang mahal nito si Bang, at kung may pag-asa silang maayos ang lahat ay bakit hindi niya ito susuportahan.

Tumango lang siya dito at nagkaintindihan naman sila. Tumango ito pabalik at humarap ulit si Ara kay Bang.

Ara: "Alam ko namang nagkulang din ako sa'yo noon. But you just needed to talk to me about it. You know I would do anything for you. I love you, Bang."

Nagyakap ang dalawa at napangiti si Dennise dahil nga masaya siya para sa kaibigan. Si Alyssa naman nakatitig lang kay Dennise.

She looked at her from head to toe. Parehas na parehas pa rin ito sa unang beses na makita niya ito. Magandang maganda pa rin kahit na simple lang. Parang nagbihis normal na tao ang isang anghel.

Behind These WallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon