Monday.
Pagkapark ni Dennise sa parking lot sa tapat ng building nung first class niya ay nagulat siya nang makita si Bea na nag-aantay sa kanya sa labas. Nakangiti ito ng malapad. Ano nakain nito?
Hindi naman kasi usual kay Bea na ihatid siya sa class. Parang hindi nga ata alam nito ang schedule niya. She feels like something is wrong. Pero dahil nagtitiwala siya kay Bea, naisip niya na lang na magpasalamat pa siya dahil baka nga nagbabago na si Bea. Dahil din ba kay Alyssa? Affected din ba siya na may nalalapit sa akin na iba? Hmmm. Malabo.
Bea never got jealous. Or Bea never admitted she was jealous. Kahit sino pa ang lumapit kay Dennise eh naniniwala itong walang problema. It felt good for Dennise that Bea trusted her, pero minsan naiisip niya na napakakampante naman ni Bea para hindi man lang magselos kahit minsan. Kahit sa ex boyfriend niyang si Myco. Wala lang talagang epekto kay Bea.
"Anong meron Bae?"
"Wala lang. Gusto lang kitang ihatid sa class mo. What time lunch mo? Sabay tayo ha."
Okaaaay weird.
"Okay. 12 lunch ko."
"Ah sige tamang-tama wala akong class nun. Saang building kita puntahan?"
Sabi na nga ba hindi talaga alam schedule ko. Nakatsamba lang ata itong nakita ako sa parking lot.
"Psychology."
"Sige, see you."
Umalis naman ito nang wala man lang beso. Naweirdohan si Dennise. Akala niya sweet na ito pero biglang hindi ulit. Ano yun parang tropa lang? See you?
Nang marealize ni Dennise na baka malate na siya sa klase niya eh nagmadali siyang naglakad papasok ng lab. Narinig niya naman ang mga kaklaseng nagchichismisan.
"Balita ko nahuli daw si Alyssa at Laura nung tatay ni Alyssa?"
"Oo, ang matindi, sa kotse nahuli!"
"Iba talaga yung si Alyssa!"
"Kahit ata sa public cr papayag ako basta kay Alyssa!"
"Kahit dito mismo sa harap niyong lahat game ako!"
Ano ba yan ang aga-aga Alyssa ang naririnig ko. Pumunta na lang si Dennise sa station niya tsaka nag-ayos ng gagamitin nila para sa experiment. Kaclose niya naman blocmates niya, di niya lang alam bakit nawalan siya ng gana makipag-usap sa mga ito ngayong umaga.
BINABASA MO ANG
Behind These Walls
Fanfiction"Will you ever get to know the real me behind these walls?" Warning: SPG.