"Bae! Bea ano ba!"
Nang mahabol ni Dennise si Bea ay kinapitan niya ito sa braso at iniharap sa kanya.
"Bakit ka ba sumusunod?"
Galit na sagot ni Bea. Nagulat si Dennise nang makita ang mga mata ni Bea na nanlilisik at parang ibang tao talaga.
"Bakit ka ba nagagalit?"
.
.
Flashback
Prrrrrrrt!
Nakatulala ang lahat. Walang nagsasalita. Tumama na sa sahig ang bola.
.
.
.
Gumulong ito sa tabi ni Bea.
Panalo si Alyssa. Dinrop ni Kim ang bola. 15-13.
Nang marealize ni Kim na nanalo na sila ay nagsisigaw at nagtatalon siya. Si Alyssa tulala lang. Niyakap na siya ni Kim at Gretch pero tulala pa din siya.
Nagkakagulo na ang mga tao sa gym. Nakapalibot na ang VB at BB team kayna Alyssa, Kim, at Gretch.
Kim: "Ly! Ly! Huy ano ka ba! Panalo na tayo! Panalo na tayo!"
Gretch: "Tol para kang tanga! Nanalo ka na! Umayos ka diyan!"
Pero wala pa ding imik si Alyssa. Nakatitig lang sila ni Bea sa isa't isa. May galit sa mata ni Bea. Si Alyssa naman gulat lang.
Pati sina Mae at Ella ay nakigulo na kayna Alyssa.
Mae: "Wow congrats! Buti na lang natalo mo si Bea!"
Ella: "Pustahan tayo galit na galit yun!"
Hindi pa din umiimik si Alyssa. No one is backing out in the staring contest between Alyssa and Bea.
Lumapit na si Dennise kay Bea na nasa gitna pa din ng court. Hinawakan niya ito sa braso pero hindi siya nito pinansin.
Matapos ang ilang sandali ay parang nagluluha na ang mata niya kaya tumakbo palabas si Bea. Sinundan lang siya ng tingin ni Alyssa. Nakita niyang sinundan ni Dennise si Bea palabas.
End of Flashback
.
.
Lalong nagalit si Bea sa tanong ni Dennise.
"TANGA KA BA? NAPAHIYA AKO DUN. SA HARAP NG MARAMING TAO."
Naubos na ang pasensya ni Dennise. Alam niya namang si Bea ang nagsimula ng gulo. Siya naman ang nang-aaway kay Alyssa pero siya ang nagagalit nang matalo siya. Hindi niya na napigilan ang sarili at pinrangka niya ito.
"Ikaw naman ang naghamon. Hindi mo man lang inalam kung marunong ba yung hinamon mo. Kung napahiya ka kasalanan mo yun."
"Bakit ako? Kung hindi ka malandi, hindi sana tayo aabot dito!"
Natawa na lang si Dennise kahit naluluha luha na din siya. Nasaktan siya sa sinabi ni Bea pero napapagod na siyang magpaliwanag dito.
"Wow. Ako pa nasisi ngayon."
"Oo ikaw naman talaga. Kasi malandi ka. Dapat dun ka na pumunta sa "friend" mo at sama-sama niyo kong pag-usapan at tawanan!"
Naiyak na si Dennise. Hinang-hina na siya. Hindi niya na alam kung anong sasabihin kay Bea. Hindi niya na alam kung anong gagawin para tumigil na ito sa ginagawa nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/40008358-288-k188835.jpg)
BINABASA MO ANG
Behind These Walls
Фанфик"Will you ever get to know the real me behind these walls?" Warning: SPG.