(35) Crazy

32.6K 352 42
                                    

Nang magising si Dennise eh nauna pa ang pagngiti niya kaysa sa pagdilat niya.

Naramdaman niya agad ang pagkakayakap sa bewang niya ng katabi niya sa kama. Nakayakap ito sa kanya galing sa likod at nakasiksik pa ang ulo nito sa leeg niya. Ramdam niya ang init ng hininga nito.

Dahan-dahan siyang umikot para humarap sa katabi niyang natulog.

She immediately smiled when she saw how peacefully Alyssa was sleeping beside her. Napakagandang gwapo nga naman ni Alyssa sa paningin niya. Kung pwede lang buong araw na lang silang magtitigan dito sa kwarto na ito para wala nang iba pang tumingin kay Alyssa..

Possessive much lang Dennise? Alam mo naman ngang madami kang kaagaw.. kahit saan. Pero hindi mo naman dapat ipagdamot ang hindi iyo diba? Sa isip ni Dennise.

Napasimangot naman siya nang maalalang nag-exercise sila ng paulit ulit at nag-iloveyou-han pero hindi naman nagkausap kung sila na ba.

Kayo na agad? Di ka na magpapaligaw? Sa isip ni Dennise. Jusko naman Dennise, wag ka nang pa-virgin! Ngayon nga lang magkatabi kayong hubo't hubad sa kama, may paligaw ligaw ka pang nalalaman? Kung may posas ka nga lang ipoposas mo na yan sa kama para wala nang kawala eh! Hmm... ano nga kaya kung bumili ako ng posas?

"Ang aga-aga pa nakasimangot ka na. Ayaw mo ba kong nakikita sa paggising mo?"

Nagulantang naman si Dennise nang marinig ang napaka-sexy na morning voice ni Alyssa. Akala mo naman may ginawa na sa kanya, pero agad agad siyang nakaramdam ng init sa boses pa lang nito.

Ano ba yan Alyssa, lumalabas lahat ng landi ko sa katawan dahil sa'yo! Sa isip ni Dennise.

Dennise: "May naisip lang ako. Gusto ko nga araw-araw pagkagising ko mukha mo makikita ko eh."

Ngumiti naman agad si Alyssa sa sinabi ni Dennise.. kaya lalo pang nainitan si Dennise.

Alyssa: "You are so adorable. Ikaw ang bumanat, pero ikaw din ang namula."

Lumapit naman si Alyssa lalo sa katawan ni Dennise at binigyan ito ng munting halik sa labi.

Shit bitin. Sa isip ni Dennise.

Dennise: "Ikaw kasi eh."

Alyssa: "Anong ginawa ko?"

Dennise: "Bakit kasi..."

Bakit kasi ang hot mo? Bakit mas gwapo ka pag bagong gising? Bakit mas gwapo ka lalo sa paningin ko habang tumatagal? Bakit ang gwapo gwapo at ang hot hot mo?! Sa isip ni Dennise.

Alyssa: "Bakit kasi?"

Dennise: "Wala."

Tsaka naman nagpout si Dennise. Naiinis siya kasi parehas naman silang walang saplot pero parang siya lang ang apektado.

Sanay na sanay lang na may kayakap na hubad na babae ha Valdez? Sa bipolar na isip ni Dennise.

Alyssa: "Wag ka magpout diyan hahalikan kita talaga. Wala kong pake kahit panis pa laway nating dalawa."

At dahil gusto naman nga ni Dennise eh nagpout pa din siya.

Alyssa: "Hahahahahaha! Ang cute cute mo!"

Saka kinurot ni Alyssa ang ilong ni Dennise at babangon na sana ng kama. Pero bago pa siya makabangon eh niyakap na siya ni Dennise ng mahigpit. Nakuryente si Dennise nang maramdaman ang init ng katawan ni Alyssa at medyo lumabas ang balat nito sa kumot na nagtatakip sa kanilang dalawa.

Dennise: "Aba, saan ka pupunta?"

Aba wag mo naman akong ginaganito Valdez. Hindi ko maintindihan kung bakit parang sabik na sabik ako sa'yo ngayon.. uuuugggghhhh nakakainis! Sa isip ni Dennise.

Behind These WallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon