(12) The Game

14.4K 320 23
                                    

Kinabahan si Alyssa nang marinig ang sinabi ni Bea na 2-on-2 ang magiging laban. Hindi niya alam kung sino ang magiging partner niya. Hindi naman marunong si gretch at baka himatayin din yun sa kaba. Ngayon pa nga lang putlang putla na ito.

Nagulat ang lahat ng biglang may tumayo mula sa volleyball team.

"Ako na lang teammate ni alyssa."

Natawa si Bea dahil iyon din naman ang ineexpect niya. Sino pa nga ba naman ang tutulong kung hindi ang nagnanais na makuha posisyon niya? Pero hindi inexpect ng lahat ang sumunod na nangyari.

Lumapit si Kim, ang setter ng team nila at best setter sa liga, kay Alyssa dahan-dahan habang nagpupunas ng luha. Parang takot na takot ito kay alyssa samantalang walang emosyon na makikita sa mukha ni alyssa.

"Ly este Alyssa, okay lang ba?"

Yumuko agad si Kim pagsabi nito dahil natatakot siya sa magiging reaksyon ni Alyssa. Matapos ang ilang segundo na walang sagot e sumilip siya kay Alyssa.

Nagulat si Kim nang makitang nakangiti ito sa kanya. Halos himatayin na siya nang lumapit si Alyssa at niyakap siya.

Humagulgol naman si Kim matapos ang ilang sandali. Nakakunot lang ang noo ng mga taong nanonood.

Kim: "Sorry t-talaga *hik* Alyssa, p-patawarin mo *hik* na ako alam *hik* mo n-namang *hik* hindi k-ko *hik* ginusto y-yun. Hindi ko *hik* sinasadya. Sorry t-talaga sorry sorry--"

Ly: "Ano ka ba okay na yun. Kalimutan na natin okay?"

Kim: "T-talaga? N-naku s-salamat Alyssa! Huhuhu Hindi ko na uulitin promise!"

Ly: "Hahaha dapat lang. Halika na bawiin na natin kung ano ang dapat maman talagang sayo."

Bea: *clap clap clap* "Ang ganda naman ng drama niyo. Tara na at nang matapos na tayo kaagad. Sayang lang oras ko sa inyo. Akala mo naman porke't ikaw ang setter matatalo niyo ko."

Pagputol ni Bea sa nag-uusap na magkaibigan. Tumingin lang ang dalawa dito. Ngumiti lang si Bea tsaka humarap sa volleyball team.

"Ikaw *tinuro ang libero* halika ikaw partner ko."

Tumayo naman ang libero dahil rookie lang ito at takot pa kay Bea. Hindi naman ito napigilan ng ibang member ng team dahil takot din ang iba dito.

Referee: "Pwede na tayong magsimula? Up to 15 lang ang laro."

Tumango lang si Ly at Kim at si Bea naman tumawa lang. Nagcheer ang audience. Si Dennise kinakabahan. Alam niyang magaling si Bea pero parang iba ang pakiramdam niya kay Alyssa. Para bang may ipapasabog ito.

Pumwesto na sila sa court at halos walang humihinga sa mga manonood. Isang tunog lang ang naririnig sa gym: ang kinakaing popcorn ni Ella.

Mae: "Ella nakakahiya ka ikaw lang maingay!"

Ella: "Eh bakit ba kinakabahan kasi ako, kelangan kong kumain!"

Mae: "Lahat ng emosyon mo kelangan ng pagkain!"

Ella: "Wag ka nang makialam manood ka na lang!"

Tumawa ang ibang mga nakarinig pero si Dennise hindi nakareact. Kinakabahan talaga siya. May parte sa kanyang gustong manalo si Bea. May parte sa kanyang gustong manalo si Alyssa. Ano bang problema mo Dennise? Diba dapat kampi ka sa girlfriend mo? Tanong niya sa sarili.

Pumito ang refereee at magseserve na si Bea. Nakaready na si Kim pero kay alyssa pinapunta ni Bea ang bola.

Misreceived ni Ly. 1-0.

Behind These WallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon