Terrence Pov
Maaga akong nagising kaya naman maaga akong naligo. Isang beses lang akong nagpatulong maligo kay Nina at hindi na naulit yon. Hindi ko alam kung saan siya napulot ni Mama basta ang alam ko lang ay nurse daw siya. Ayoko din naman magtanong tungkol pa sa kanya dahil hindi naman ako interesadong malaman.
Ilang oras ng blanko ang isip ko at nakatingin lang sa monitor habang hawak ang pen ko at gumuguhit sa tablet. Kahit anong gawin kong pag-iisip walang pumapasok sa utak ko na desenyo na pasok para sa kliyente namin na Isang sikat na celebrity. May mga desenyo na ako para sa mga 650 sqms ngunit para sa 4 bedroom lang ang mga iyon at mga bungalow. Posible naman talaga ang gusto niya dahil dalawang palapag naman ang gusto niya ang problema ay ang ibang hiling niya na desenyo. Oo posible din naman ang mga iyon kung lalakihan niya ang budget niya. Kung hindi lang siya endorser ng kumpanya namin nungkang pag aksayan ko ng oras ito. Isa pa may sarili siyang desenyo bakit pa siya nag abala kumuha ng architect para sa dream house niya eh siya lang din naman ang masusunod.
"Sir gusto mo ng masahe?" Tanong ni Nina na hindi ko alam na nandito pala sa loob ng kwarto ko. Pumunta siya sa likuran ko at sinimulan hawakan ang dalawang balikat ko
"take your hands off my shoulders" mahinahon na sabi ko
"Ikaw naman Sir okay lang para ma relax ang muscles mo kanina ka pang umaga diyan" malambing na sabi nito na tinuloy lang ang ginagawa
"Hindi mo ba ako narinig o hindi mo lang ako naiintindihan?" Marahas kong inalis ang mga kamay niya sa balikat ko at nanlilisik ang mga matang tinignan siya
"Get out of my sight and get me a glass of cold water!" Taboy ko sa kanya. Mukha naman siyang natakot at mabilis na lumabas sa kwarto ko
Ilang minuto ang lumipas at bumalik na si Nina sa kwarto ko dala ang isang basong tubig. Tulad kanina at lagi niyang ginagawa hindi ito nag aabalang kumatok muna bago pumasok sa kwarto ko.
"Nina this is the last time I will tell you this. I don't want you to enter my room without knocking and I don't want to see your face so don't come here if I don't call you. Do you understand?" Sabi ko pagkabigay niya ng tubig sa'kin
"Im sorry Sir I always forgot to knock hindi na po mauulit" Sabi nito
"Siguraduhin mo lang. Sige na umalis ka na" Sabi ko at muling humarap sa monitor.
Isang oras na ang lumipas pero wala talagang pumapasok na idea sa utak ko. Pabagsak na ibinaba ko ang pen at pinagulong palabas ang wheelchair ko. Siguro kailangan ko munang mahpahangin ng marelax at makapag isip ng maayos.
Paglabas ko palang ng kwarto ay may naririnig na ako na tila nagtatalo. Napapailing na lumabas ako ng bahay at sa may pool side nakita ko ang lahat ng kasambahay nakpunpon sa Isang lugar. Lumapit pa ako kaya mas narinig ko ang pinag uusapan nila, bigla naman bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ko ang boses ni Lizzy at nakita siya. May pagkamaliit kasi siya at payat pa, natatakpan tuloy siya ni Margie at ni Manang Lita. Nasa tabi sa bandang likuran naman ni Nina si Kiray na nakapanewang. Sa di kalayuan ay naroon si Mang Caloy at pinanonood lang sila.
"Nina sumosobra kana! Wala kang karapatan sigawan at paalisin si Lizzy dahil bisita namin siya!" Sigaw ni Manang Lita kay Nina. Hinawakan naman siya ni Lizzy ng may pag aalala.
"Tama na po Manang okay lang po aalis nalang po ako" narinig kong sabi ni Lizzy kaya naman napagpasyahan kong lumapit na sa kanila.
"Kaninang wala ka dito ang tahimik namin! Sige umalis kana! Ano pang ginagawa mo magpapa awa?!" Sigaw ni Nina kay Lizzy at pilit pinagtatabuyan paalis, ano bang nangyari sa kanila?
BINABASA MO ANG
Baby Big Boss (COMPLETED)
RomantikSi Lizzy Ocampo ay simple lang ang gusto sa buhay yun ay ang mabigyan niya ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Namasukan siya bilang isang caregiver sa isang pamilya at sinwerte naman siya sa kanyang naging amo at itinuring siyang kapamilya. Hin...