Lizzy's Pov
Thankful ako hindi ako pinahirapan ni Sir Terrence painumin siya ng gamot kanina tapos ang bait bait pa niya sakin kanina. Nandito lang ako ngayon sa kwarto dahil hinabilinan niya ako na huwag siyang istorbohin dahil kailangan niyang matapos ang trabaho niya ngayon.
Konting oras nalang ay mag la lunch na kami, konting oras nalang makakauwi na ako sa bahay namin. Alam ni Mama na bukas pa ako uuwi sigurado magugulat niyan sila mamaya. Napangiti naman ako sa naisip na gulatin sila.
Dahil narin sa naiinip ako ay nagpasya akong lumabas ng kwarto. Nakisali ako kina Manang Lita na manood ng tv sa kusina habang nagluluto siya. Tahimik at seryosong nanonood naman sina Margie at Ate Kiray kaya hindi ko magawang makipag kwentuhan sa kanila. Ilang sandali lang ay nadala narin ako sa pinapanood nila bakit ba kasi may aso sa pelikula at minamaltrato pa, ang babaw pa naman ng luha ko pagdating sa mga aso.
Tulo ang luha at uhog ko ng matapos ang pelikulang pinanood namin. Kahit minamaltrato yung aso ay iniligtas parin niya amo niya at siya yung nasagasaan at namatay. Pinatunayan lang kung gaano ka loyal ang mga aso. Pero sana naman hindi pinatay ng writer yung aso kahit nasagasaan tapos bumawi nalang yung amo sa aso at minahal at inalagaan nalang niya. Kung ganoon siguro yung ending baka hindi pa ganoon kasakit sa puso kaso namatay yung dog eh.
Kumatok ako sa pinto ng kwarto ni Sir Terrence at binuksan yon. Busy parin siya sa harap ng mesa niya habang may ginuguhit. Ayoko sana siyang istorbohin pero oras na kasi para kumain.
"Sir lunch time na po" sabi ko ngunit parang wala siyang narinig. Naghintay pa ako ng dalawang minuto para sabihan na mag lunch na siya ngunit kagaya kanina para akong nakikipag usap sa hangin. Hinayaan ko ulit siya hanggang umabot ng limang minuto. "Sir kumain ka muna at ituloy mo nalang yan mamaya" may kalakasang sabi ko
Kung nakamamatay lang ang tingin ay bumulagta na ako panigurado.
"Hindi kaba nakakaintindi? Diba sinabi ko na huwag mo akong istorbohin dahil may ginagawa ako?!" Malakas na sabi niya
"S-sir kasi po lunch na masama sa katawan malipasan ng gutom" nauutal na sabi ko. Heto na naman kami naka super sayan level 2 na naman siya
"Nasaan ba ang utak mo at hindi ka maka intindi?! Sino ba ang amo sa ating dalawa?!" Inis na sabi nito kaya napakagat nalang ako ng labi at yumuko "look.. naging mabait ako kanina sayo dahil sa pagtulong mo sakin kanina sa banyo at gusto kong maging mabait pa sana sayo pero kung ganyan ka kahirap umintindi mas mabuti pa nga sigurong maging demonyo ako sayo! Ang dali ng instruction ko bakit hindi mo masunod?! Tanga kaba?! Bobo kaba?!" Sigaw na sabi nito sakin. Walang lumabas na salita sa bibig ko at lumabas nalang ako sa kwarto niya atsaka pumasok sa kwarto ko at doon umiyak.
Sinubsob ko ang mukha ko sa unan habang umiiyak. Gusto ko ng umuwi samin. Ayoko na sa bahay na'to. Nagpasya akong hindi na tapusin ang araw na ito at umuwi nalang samin. Hahanap nalang ako ng ibang trabaho dun sa walang tatawag sakin ng tanga at bobo.
Inilabas ko na ang maleta ko at inilagay na ang ilang damit ko ng tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon sa bulsa ko at tinignan kung sino ang nag text. Binasa ko ang message ni Leanna at tinatanong kung may sobra daw ba akong pera. Tumaas daw kasi ang prisyon ni Mama at gusto niyang ipa check up sa hospital.
"May pera pa ako dito dalhin mo na si Mama sa hospital manghiram kana muna sa kapitbahay ng isang libo babayaran ko nalang mamaya pag uwi ko" Nag aalalang reply ko.
"Sige Ate manghihiram muna ako kay Aling Tess para madala siya sa hospital muntik na kasi siyang matumba kanina buti nasa tabi niya ako at nasalo ko agad siya" reply niya sakin
BINABASA MO ANG
Baby Big Boss (COMPLETED)
RomanceSi Lizzy Ocampo ay simple lang ang gusto sa buhay yun ay ang mabigyan niya ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Namasukan siya bilang isang caregiver sa isang pamilya at sinwerte naman siya sa kanyang naging amo at itinuring siyang kapamilya. Hin...