Terrence Pov
Pagmulat ko ng mata ay unang tinignan ko kung anong oras na. Nag unat unat muna ako at lumipat sa wheelchair ko. Dumiretyo ako sa banyo at nag toothbrush. Paglabas ko sa banyo ay muli akong bumalik sa kama at nahiga. Wala sa loob na kinuha ko ang cellphone ko at may nakitang notification galing sa facebook na ini add daw ako ni Lizzy Ocampo.
Agad kong inopen ang notification at nakita kong si Lizzy nga yon. Inaccept ko ang friend request niya at may dumaan sa newsfeed ko na picture kung saan naka tag siya. Mukhang kapatid ata niya yon at may caption na Uwi na kayo may nanalo na hashtag siblings.
Wala naman talaga akong balak tignan ang timeline niya kaso ay ang daming comments sa picture nila ng kapatid niya. May mga naka tag ulit sa kanya na pictures na ini upload lang kahapon. Naiiwan naman ang mga mata ko sa bawat larawan niya at naiinis ako sa itsura niya kaya inalis ko nalang at tumingin na ng iba.
Muli ay dumaan ang mukha ni Lizzy sa newsfeed ko, nag update siya ng profile picture niya. May itsura naman talaga si Lizzy pero mas gumanda siya dahil sa make up niya. Matagal din akong tumitig sa mukha niya at hindi mapigilan ang mapa ngiti. Mag la like sana ako sa picture niya kaso ay nagbasa muna ako ng comments. Puro papuri ang mga comments sa kanya sinasabing ang ganda niya, di naman ako kokontra doon dahil gumanda nga siya sa make up niya. Na huli naman ng pansin ko yung mga lalaking nag comment ng mga pusong mata at yung ibang nagsabi na ang ganda at sexy niya at nakakainlove daw siya. Nagsalubong naman ang kilay ko at umalis na sa comment box tsaka nag angry react.
Wala sa mood na umupo ako at lumipat sa wheelchair. Lumabas ako ng kwarto at muntik pa akong atakihin sa gulat ng makita ko si Lizzy. Nakasuot siya ng maong na palda at off shoulder na damit.
"Good morning Sir" nakangiting sabi niya tsaka ito tumingin sa relo niya "magpapalit lang ako Sir tapos ihahanda ko na ang almusal niyo" sabi pa nito. Tumango lang ako at nawala na siya sa paningin ko.
Napalingon ako sa kwartong pinasukan ni Lizzy at parang nakikita ko pa ang mukha niyang nakangiti sakin ngayon ngayon lang. Huminga ako ng malalim at umalis na.
"Hello good morning!" Masiglang bati ni Lizzy ng makita niya si Margie kunwari ay busy ako sa pagbabasa at wala akong pake sa kanilang dalawa kahit nakikinig ako sa usapan nila. Nang matapos silang mag usap ay buti nalang at napansin na niya ako. "Sir saan ka po mag b-breakfast?" Tanong nito sakin. Tumingala ako sa kanya at minasdan siya, puting tshirt at tokong ang suot niya.
"Sa dinning room nalang" sagot ko tsaka nauna na sa kanya.
"Sir coffee at sandwich lang o heavy breakfast?" Tanong nito mula sa likod
"Kahit ano basta may coffee" pumasok ako ng dinning room at sumunod naman siya. Inayos niya ang mesa sa harapan ko bago siya umalis papuntang kusina. Pagbalik niya ay may dala itong cart. Mula ng dumating siya dito halos kanin na ina almusal ko feeling ko tuloy tumataba na ako.
"Sir kain kana po" masiglang sabi niya habang nilalagyan ng sinangag ang plato ko at isang isang itlog. "Kain ka po ng marami Sir para may lakas ka mamaya" napakunot ang noo ko sa sinabi niya
"Bakit kailangan ko ng lakas mamaya?" Tanong ko sa kanya
"Diba Sir may appointment ka ngayon kay Dr. Villegas, ikaw Sir ang bata bata mo pa makakalimutin kana" masiglang sabi pa nito
"Sinong nagsabi na pupunta ako?" Tanong ko sa kanya bago sumubo ng kanin sa may plato ko
Nagulat ako ng hilain niya ang isang upuan at paharap na umupo sakin. Muntik ko pang maibuga ang pagkain ko sa kanya. Dali dali naman niya akong pinainom ng tubig.
BINABASA MO ANG
Baby Big Boss (COMPLETED)
RomanceSi Lizzy Ocampo ay simple lang ang gusto sa buhay yun ay ang mabigyan niya ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Namasukan siya bilang isang caregiver sa isang pamilya at sinwerte naman siya sa kanyang naging amo at itinuring siyang kapamilya. Hin...