Lizzy's Pov
Mataas ang lagnat ni Sir Terrence kaya naman magdamag ko siyang binantayan. Alas kwatro na ng madaling araw ng makatulog ako kaya naman antok na antok parin ako.
"Good morning beh" salubong sa'kin ni Margie
"Good morning" nakangiting bati ko din sa kanya tsaka niya ko sinabayan maglakad papuntang kusina
"Kumusta si Sir?" Tanong nito
"Hindi ko pa siya pinuntahan pero bumaba na kaninang madaling araw lagnat niya" sagot ko
"Gusto niyo ng mag almusal?" Tanong ni Manang ng abutan namin siya sa kusina
"Mamaya na po ako, ipagluluto ko lang po ng soup si Sir" sabi ko
"Sige anak, anong soup daw ba ang gusto niya?" Tanong naman nito
"Wala po siyang sinabi pero ipagluluto ko nalang po siya ng chicken and vegetables stew ng magkaroon naman ng sustansiya pagkain niya, bilin din po kasi ng doctor niya" sagot ko
"Hindi ko alam ang lutong iyon, pwede ba akong manood ng maluto ko rin minsan?" Tanong nito
"Oo naman po" nakangiting sagot ko
Simple lang naman ang pagluluto ng chicken vegetables soup, naalala ko kapag may sakit ako lagi akong pinagluluto ni Mama ng ganito. Nakasunod naman ng tingin sa ginagawa ko si Manang, kapag hindi niya natandaan isusulat ko nalang.
"Ang bango naman ng naaamoy ko" napatingin kaming lahat kay Ma'am Cecille
"Good morning po" bati naming lahat
"Good morning din, ano yang niluluto niyo mukhang masarap" tanong nito
"Chicken vegetable soup para daw kay Sir Terrence" sagot naman ni Manang
"Sa kanya lang paano naman kami?" Nagbibirong tanong pa ni Ma'am Cecille
"Marami po ito hindi naman po mauubos lahat ni Sir to, tsaka dinagdagan ko po talaga para makatikim lahat tayo" nakangiting sagot ko
"Kumusta na po pala si Sir Ma'am?" Tanong ni Ate Kiray
"Ayon mataas parin ang lagnat, akala nga kanima ako si Lizzy mukhang na disappoint ng ako makita niyang nag aayos ng kumot niya" nahihiyang tumingin naman ako kay Ma'am Cecille.
"Sigurado natuwa iyon hindi si Lizzy nakita niya, ang kulit kasi ng batang ito kaya napapagalitan lagi ni Sir" sabi naman ni Ate Kiray. Yumuko nalang ako.
"Pinapagalitan kapa niya? Akala ko magkasundo na kayo. Tumawag sa'kin kahapon si Doctor Villegas at sinabing pinakilala ka niya bilang girlfriend niya" tuloy tuloy na sabi ni Ma'am Cecille
"Ma'am nagbibiro lang naman po si Sir kahapon, ayaw po kasi niyang tinatanong siya nung doktor kaya ako nalang sumasagot" sabi ko
"Wala naman problema kung girlfriend ka nga niya, matutuwa pa ako at susuportahan ko kayong dalawa" nakangiting sabi nito na kina init ng mga pisngi ko
"Ayiie" sundot sa tagiliran ko ni Margie
"Maganda din naman itong si Lizzy bagay sila ni Sir Terrence" sabi naman ni Manang
"Manang naman alam ko naman po kung saan ako lulugat" nahihiyang sabi ko
"Ano bang problema? Maganda ka naman talaga at totoong bagay kayo ni Terrence" sakay naman ni Ma'am Cecille
BINABASA MO ANG
Baby Big Boss (COMPLETED)
RomanceSi Lizzy Ocampo ay simple lang ang gusto sa buhay yun ay ang mabigyan niya ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Namasukan siya bilang isang caregiver sa isang pamilya at sinwerte naman siya sa kanyang naging amo at itinuring siyang kapamilya. Hin...