Lloyd's Pov
I'm currently on a plane flying back to the Philippines. I sighed and remember the past as I sadly glanced out the window. I haven't decided where to go first yet, even though the plane is about to land at NAIA.
It's been almost three years since I left the country. Kumusta na kaya sila? I lost communication with my family and friends mula nung umalis kami ni Yndra papuntang America.
At nag touch down na nga ang eroplano at nakita ang malaking banner na welcome to the Philippines. Finally after 3 long years nakauwi rin.
Dahil wala naman may alam na uuwi ako hindi ko na inaasahan na may susundo sa'kin. Dumiretyo ako sa pinaka unang resto na nakita doon at kumain muna. Alam kong hindi magiging madali ang buhay na kakaharapin ko ulit dito pero susubukan ko.
Hila ang maleta ko ay nag abang ako ng taxi para maghatid sa'kin sa condo ko. Hindi ko alam kung ano ang dadatnan ko doon dahil matagal na itong naka bakante.
Katulad ng nasa isip ko tatambad sakin ang makapal na alikabok pagkapasok ko. Wala din ilaw at tubig pero mamaya ko na aasikasuhin iyon. Binuksan ko ang mga bintana at nagsimulang maglinis. Ang balak ko talaga umupa ng maglilinis dito pero mas minabuti ko ng ako ang gumawa para narin makapag isip isip pa.
Inuna kong nilinisan ang kwarto at ng makuntento ako sa nakikita ko ay tsaka ko inilabas ang urn ni Yndra. "welcome back home" bigkas ko at ipinatong siya sa display cabinet. Bukas ko nalang gagawin yung mga hinabilin niya sa'kin.
Ilang araw din akong hindi nakatulog kaya minabuti kong matulog muna para makabawi ng lakas, mamaya ko nalang itutuloy ang paglilinis ko.
***
Alas kwatro ng hapon nang magising ako. Babad ako sa sarili kong pawis, maliligo sana ako kaso wala nga palang tubig. Agad akong bumaba para maasikaso yon.
Tatlong taon na lumipas pero wala akong nakikitang pagbabago. Wala nga ba?
Nagpasya akong lumabas at tignan ang paligid ko, tama nga wala ngang nagbago. Naglakad lakad pa ako hanggang makarating sa mall na naging tambayan namin noon ng mga kaibigan ko. Pumasok ako doon at tulad kanina wala akong nakitang pagbabago sa lugar. Dumiretyo ako sa bar kung saan lagi akong tumatambay, agad kong nakilala ang mukha ng may ari na siya ring bartender doon. Umorder ako ng craft beer at nagpalipas muna ng oras doon. Naka tatlong craft beer din ako bago nagpasyang lumabas sa lugar na iyon.
Pagbalik ko sa condo ay may ilaw at tubig na ako. Buti nalang at maayos kausap yung pinakiusapan ko para maibalik din ngayon ang kuryente ko. Siyempre sa tulong narin yon ng lagay. Mas malaki ang ibibigay mas mapapabilis ang trabaho. Mas napangiti ako sa kaalamang wala talagang pagbabago sa Pilipinas.
Halos buong magdamag kong iginugol ang sarili sa paglilinis ng buong condo. Hindi ko rin alam kung ilang beses akong nagpabalik balik sa mall para lang bilhin ang mga bagay na dapat kong bilhin sa paglilinis. Lahat kasi ng mga nandito sa condo tulad ng simpleng tiles cleener ay expired na.
Umaliwalas naman ang pakiramdam ko ng makitang malinis na ulit ang tirahan ko. Sa pagkakataong ito ay nakaramdam din ako ng gutom. Wala akong makakain dito kaya naisipan kong umorder nalang ng pagkain. Tsaka na ako pupunta sa supermarket kapag nakausap ko na si Terrence.
*Flashbacks*
Isang araw bago ang kasal nina Terrence at Yndra ay pinuntahan ako ni Yndra sa condo at umiiyak. Pinakita niya sa'kin ang isang papel at ikinuwento ang lagay niya. Noong una ay nagulat ako pero masaya para sakanila ni Terrence dahil nabasa ko na buntis siya. Binati ko pa siya at sinabing magandang regalo yun sa kasal nilang dalawa ni Terrence pero mas lumakas ang iyak nito at hindi ko iyon maintindihan. Hanggang sa ikinuwento nito ang dahilan na ikinagimbal ko.
BINABASA MO ANG
Baby Big Boss (COMPLETED)
RomanceSi Lizzy Ocampo ay simple lang ang gusto sa buhay yun ay ang mabigyan niya ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Namasukan siya bilang isang caregiver sa isang pamilya at sinwerte naman siya sa kanyang naging amo at itinuring siyang kapamilya. Hin...