Chapter 17

2.6K 63 5
                                    

Lizzy's Pov

Tahimik lang akong nakaupo sa may sofa sa office ni Sir Terrence ng tumayo si Ma'am Klea.

"Mukhang magtatagal pa ang meeting niya, babalik nalang ako mamaya" sabi nito at naglakad palabas sa opisina.

Huminga ako ng malalim.

Buti nalang umalis na siya, hindi kasi ako makahinga ng maayos kaninang narito siya.

Dahil narin sa pagsaway sa'kin ni Ma'am Klea ay nanahimik nalang ako sa upuan. Ayoko ng mag ikot ikot dito baka kung sino na naman ang pumasok at mapagalitan ako.

Sobrang naiinip na ako at pinipigilan lang ang sarili na tumayo at lumabas para makipag tsismisan kay Ateng Secretary na mabait, tsaka ayoko din naman maabala siya baka magalit siya.

Lumipas pa ang ilang minuto at umabot pa ng oras ang paghihintay ko bago bumukas ulit ang pinto na ikinaayos ko ng upo.

"Si Mang Jun?" Tanong sa'kin ni Sir Terrence. Napatingin naman ako sa lalaking nasa likuran niya. Hindi ko alam kung ngingitian ko siya baka mapahiya kasi ako.

"May inutos si Ma'am Cecille pero ang sabi niya babalik din agad siya" sagot ko

"Ang cute naman niya sino siya?" Nakangiting tanong nung lalaki na ngayon ay nakangiti na sa'kin. Nahihiyang ngumiti rin ako sa kanya.

"Hindi siya cute at pwede ba gawin mo na trabaho mo?" Sagot naman ni bossing

"Hi! I'm Condrad kaibigan at ka trabaho ni Terrence" lumapit ito at inabot sa akin ang kamay niya

"H-hello po Sir, a-ako po si Lizzy caregiver ni Sir Terrence" nauutal na sabi ko at nakipag kamay sa kanya

"Ang ganda mo naman, may gagawin kaba mamaya?" Tanong nito na hindi pa binibitawan ang kamay ko

"W-wala naman po" nautal ulit ako tsaka tumingin kay Sir Terrence na nakahawak sa sentido at hinihilot iyon

"Pwede ba kitang yayain mag dinn-"

"Condrad gawin mo na trabaho mo" putol ni Sir Terrence sa sasabihin sana nito

"Bro hindi nagmamadali ang trabaho ko" sagot naman ni Condrad

"Pwes ako ang nagmamadali, gawin mo na ang trabaho mo ng mabigyan mo'ko ng maayos na design' mariing sabi ni Sir Terrence. Mukhang badtrip siya kaya kung ako kay Sir Condrad gagawin ko na inuutos niya. Baka magliparan mga miniature display at mga libro sa kanya.

"Okay okay" taas kamay na sabi ni Sir Condrad tanda ng pagsuko "masyado kang workaholic mag enjoy ka naman minsan" sabi nito tsaka bumaling ng tingin sa'kin "diba baby girl?" Sabi pa niya at kinindatan ako.

Nag init naman ang pisngi ko. Sa tanang buhay ko ngayon lang ako tinawag na baby girl at ang gwapo pa ng nagsabi. Gusto kong kiligin pero mas nauuna parin ang hiya ko. Ang tanda ko na para tawaging baby girl. Napangiwi ako.

"Labas!" Malakas na sabi ni Sir Terrence. Hayan na po siya umuusok na naman mga butas ng ilong niya.

"Chill" tumatawang sagot naman ni Sir Condrad habang naglalakad palabas. "Wait" huminto ito at tinignan ulit ako "kunin ko nga pala ang number mo" isang magazine ang lumipad at natamaan si Sir Condrad. Yan na sinasabi ko eh. "Hahaha!" Tumawa lang si Sir Condrad hanggang sa tuluyan ng makalabas ito.

Tinignan ko naman si Sir Terrence na salubong ang kilay at matalim na nakatingin sa'kin. Hala! Ano na naman ba ginawa ko? Naku naku naku may sumpong na naman ang baby damulag ko.

Baby Big Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon