Terrence Pov
Nasa tapat na ako sa pintuan ng kwarto ko at papasok na sana ng biglang tumunog ang phone ko. Nang tignan ko ay text message galing kay Lizzy iyon. Ano na naman ba kailangan nito? Tanong ko sa sarili ko at binasa iyon
"Sir nakainom kaba ng gamot mo? Eight ten na" text ni Lizzy sakin.
"Fuck!" Inis na sabi ko at pumasok na sa kwarto. Nag type ako ng message para replayan siya pero binura ko rin at nagpasyang tawagan siya.
Apat na beses muna na nag ring bago niya iyon sinagot.
"Sir?" Painosenteng sagot niya
"Hindi kaba talaga marunong umintindi?! Alalahanin mo nalang ang sarili mo okay?" Halata sa boses ko ang inis pero mukhang wala siyang pake.
"Pero uminom kaba ng gamot?" Pagbabalewala niya sa sinabi ko
"Hindi mo na problema kung uminom ako ng gamot o hindi!" Mariin na sabi ko baka sakali na makuha niya ang nais kong ipunto sa kanya.
"Bakit kasi hindi mo pa sabihin kung uminom kaba o hindi, oo at hindi lang naman kasi" sagot nito sakin at siya pa ang may ganang mainis
"Bakit may magagawa ka kung hindi ako uminom ng gamot?!" Parang nakakalimutan niya kung sino ang kausap niya
"Wala po Sir" sagot nito na parang naiintindihan na mga bagay bagay
"Dahil wala ka naman magagawa kaya tigilan mo na pang iistorbo pwede?" Sabi ko pa sa kanya
"Sana nga may mqgawa ako para mapainom ka ng gamot mo sa tamang oras. Sige po Sir pasensiya na sa istorbo hindi na po ako mangungulit" sagot niya
Hindi ko alam kung bakit parang may pumitik sa puso ko at nakaramdam ng sakit. Nangungunsensya ba siya dahil pinahihirapan ko siya? Ayoko naman talagang gawin yon pero hindi ko alam kung bakit ang bilis uminit ng ulo ko.
"Hello Sir?" Dinig ko pa sa kabilang linya
"Sir? Sir?" Tawag ulit niya sakin
Magsasalita na sana ako ng bigla niyang patayin ang telepono. Napasandal ako sa wheelchair at hinilot ang sentido. Ano bang gagawin ko kay Lizzy? Ayokong may magulo sa buhay ko pero naaawa naman ako sa kanya kung paaalisin at pahihirapan ko siya lalo na ngayon na may sakit ang nanay niya.
Umiiling na kumuha nalang ako ng libro, ayokong isipin pa si Lizzy dahil lalong sasakit ang ulo ko. Muli akong lumabas ng kwarto at nagpasyang sa patio nalang ako magbasa, nakasalubong ko pa si Mang Caloy na papalabas din ng bahay at sinamahan na ako hanggang sa may patio.
"Sige Sir iwan na kita at tatanggalin ko pa mga dahon nagliparan sa may swimming pool" paalam nito sakin
"Iutos mo nalang po kay Ate Kiray at magpahinga kana. Kanina kapang alas singko nagwawalis at nagdidilig dito sa labas" sabi ko sa kanya
"Konti lang naman yung mga dahon sa pool baka maisipan nila Ma'am Shenn at Thomas mag swimming linggo pa naman ngayon" sagot nito
"Sige po kayong bahala pero pagkatapos niyo po magpahinga na kayo ituloy niyo nalang mamayang hapon yung hindi niyo pa natatapos" bilin ko sa kanya at umalis na nga siya
Pinanood ko lang si Mang Caloy na naglakad paalis. Bata pa ako ng magsimula siyang magtrabaho samin bilang hardinero, natatandaan ko pa yung panahon na kalaro ko siya, sumasakay ako sa likod niya at ginagawa siyang kabayo minsan ay nagtatago taguan kami at laging siya ang taya. Dito sa amin narin siya nakapag asawa, at ang nakakatuwa pa ay kasambahay namin ang nakatuluyan niya.
BINABASA MO ANG
Baby Big Boss (COMPLETED)
RomanceSi Lizzy Ocampo ay simple lang ang gusto sa buhay yun ay ang mabigyan niya ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Namasukan siya bilang isang caregiver sa isang pamilya at sinwerte naman siya sa kanyang naging amo at itinuring siyang kapamilya. Hin...