Lizzy's Pov
Akala ko'y tapos na ang iringan nila Mama at Lola Baby. Imbes na kami ang magpa baranggay sa kanila ay nagulat kami ng kami ang ipinatawag sa baranggay. Ang dahilan ng pag imbita nila sa'min ay dahil sa paninirang puri.
Pumunta kami sa baranggay sa oras na sinabi nila. Napa aga pa nga ang punta namin ni Mama ng halos kalahating oras. Mabuti nalang naka alis na si Leanna kanina papuntang skwela ng dumating yung tanod na nagbigay ng sulat sa'min. Sigurado kasi hindi yun papasok at sasama para kontrahin yung sumbong ni Lola Baby sa'min.
"Ano ho ba ang inirereklamo sa'min ni Lola Baby?" Tanong ko pagkaupo palang namin ni Mama sa monoblock chair. Naroon ang ilang kagawad at mga tanod.
"Pumunta dito kanina si Nanay Baby umiiyak at nagrereklamo na sinisiraan niyo ang pamilya niya" sagot ng isang lalaking kagawad.
"Wala naman po kaming sinasabi sa katunayan siya pa nga ang dapat naming ireklamo dahil sa ikinakalat niyang tsismis tungkol sa'kin" Sabi ko
"Ang kapal ng mukha niya at tayo pa talaga ang pinabaranggay niya!" Inis na sabi ni Mama na naka upo at naka halukipkip. "Dapat pala tinuloy ko nalang ang plano kong ipabaranggay siya kahapon!" Sabi pa nito
"Hintayin nalang natin si Nanay Baby para marinig natin ang dalawang panig. Bibigyan ko mamaya ang bawat panig magsalita para maayos kung ano man ang naging hindi pagkakaunawaan niyo" sabi ng kagawad
"Kilala naman natin si Nanay Baby na tsismosa sana hindi niyo nalang pinatulan yung matanda" sabat naman nung isa pang kagawad
"Mawalang galang na po kagawad, hindi po namin siya pinatulan kaya nga hindi na kami nagreklamo sa baranggay. Matanda na nga po siya pero nakita niyo naman siguro na malakas pa siya sa kalabaw. Kayo na po nagsabi na tsismosa siya kaya alam niyo na hobby niyang lakarin ang buong baranggay may maitsismis lang" sagot ko sa kagawad
"Huwag kang magalit sa'kin ineng sinasabi ko lang na matanda na siya" Sabi naman nito
"Hindi naman po ako galit sa inyo o kay Lola Baby, matagal na po kaming magkapitbahay at nirerespeto ko po siya bilang mas nakakatanda sa'kin. Ang ayoko lang po ay hinusgahan niyo agad kami ng nanay ko na pinatulan siya samantalang siya ang may atraso sa'min" sabi ko
"Hindi lang siguro tayo nagkaintindihan ako na magpapakumbaba at hihingi ng pasensiya. Pasensiya na kung ano man ang nasabi kong hindi niyo nagustuhan" Sabi nito
"Okay lang po at least tinanggap niyo pagkakamali niyo, wala na po sa'min iyon at pasensiya narin po sa pagsagot ko" Sabi ko
"Palagay ko'y maliit na problema lang naman ito at madadaan natin sa pag uusap. Hintayin nalang natin dumating yung nagrereklamo para mapagbati namin kayo" Sabi nung kagawad na humahawak sa kaso namin
Hindi rin nagtagal ay dumating si Lola Baby. Iniisip ko na may sasama sa kanya kahit isa lang sa kapamilya niya ngunit siya lang mag isa. Pagkakita palang niya sa mga tao sa loob ng baranggay hall ay umiyak na siya.
Pinapasok kami ng kagawad sa pinaka conference room nila. Bali pito kami na nasa loob. Kaming dalawa ni Mama na magkatabi sa upuan, si Lola Baby na nakaupo sa tapat namin ang kagawad na nasa harapan at mga tanod na nakikiusyoso yata.
Agad nagsalita si Lola Baby at pinaratangan kami ng paninirang puri. Ikinakalat daw namin na adik ang mga apo niya at malalandi. Dahil sa sinabi niyang iyon ay naalala ko naman si Leanna. Hindi ako pwedeng magkamali na sinabi talaga iyon ni Leanna sa kanya, pero ang ipagkalat? Napakalabo. Malamang narinig ng mga tsismosa yung sinabi ni Leanna at sila yung nagkalat noon.
BINABASA MO ANG
Baby Big Boss (COMPLETED)
RomanceSi Lizzy Ocampo ay simple lang ang gusto sa buhay yun ay ang mabigyan niya ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Namasukan siya bilang isang caregiver sa isang pamilya at sinwerte naman siya sa kanyang naging amo at itinuring siyang kapamilya. Hin...