Lizzy's Pov
Kakabalik lang namin galing sa presinto upang maghain ng pormal na reklamo. Ang balak ko talaga ay ipakulong si Nina pero dumating yung nanay niya at nagmakaawa sa'kin. Naalala ko naman ang nanay ko na siguradong ganoon din ang gagawin kung sakali ako ang nasa ganoong sitwasyon. Sa huli ay pinatawad ko nalang din at nagpa blotter nalang ng police report.
"Sigurado kaba na ayaw mong sabihin ito sa Mama mo?" Tanong ni Ma'am Cecille ng makabalik kami sa bahay nila. Tinawagan pala siya ni Ate Kiray kanina at sinabi ang nangyari kaya umuwi agad sila ni Mang Jun. Naabutan pa nila ang mga pulis at si Ma'am Cecille din nagkunbinsi kay Nina na mahinahon na sumama at pinangakong hindi siya masasaktan.
"Huwag na po mag-aalala lang po iyon ayos lang naman po ako" nakangiting sabi ko
"Kung ganoon pumayag ka kahit magpatingin lang sa doktor, nangako ako sa Mama mo na hindi ka masasaktan dito sa poder ko" Sabi pa ni Ma'am Cecille
"Ayos lang po talaga ako marami lang akong nainom na tubig kanina" tanggi ko parin
"Huwag mong pairalin ang kakulitan mo kailangan mong matignan, iba na ang nakakasigurado" Sabat naman samin ni Sir Terrence
"Oo nga tama si Terrence baka mamaya pag uwi mo sa inyo at nagpapahinga doon mo maramdaman yung parang side effect sa katawan mo. Alam ko dalasan ng mga nalulunod nagkakaroon ng tubig sa baga kaya sige na magpatingin ka sa doktor ng hindi ako gaanong mag-alala pa sa lagay mo" Sabi ni Ma'am Cecille
Para matapos na ang usapan at hindi narin sila mag-alala ay pumayag na ako magpa check-up.
Pagdating namin sa hospital ay agad akong inasikaso. Normal naman ang lahat ng mga test na sinagawa sa'kin kaya napanatag na ang loob ni Ma'am Cecille.
"Pasensiya na po kayo sa mga nangyari ngayong araw pinag alala at naabala ko kayo ng husto. Sa totoo lang sobrang nahihiya po ako sa inyong lahat ng dahil sa'kin nangyari ang mga bagay na'to" Sabi ko ng makabalik kami sa bahay ni Ma'am Cecille at kaharap ang lahat.
"Wala kang dapat ihingi ng pasensiya pasalamat nalang tayo at walang nangyaring masama sa'yo" sabi naman ni Ma'am Cecille
"Thank you po napakabuti niyo po" sinserong sabi ko "siya nga po pala aalis na po ako baka po kasi gabihin ako sa daan" pagpapaalam ko kay Ma'am Cecille at nakangiting tumango naman siya
"Manang salamat po uwi na po ako tatawag nalang po ako sa inyo. Beh text text o kaya chat nalang tayo ha?" Yumapos naman ako kay Ate Kiray at nag thank you din sa kanya at sinabing usap nalang kami sa messenger.
"Ipapahatid na kita kay Mang Jun bago niya sunduin si Thomas. Hihintayin ka nalang namin bukas dito" Sabi naman ni Sir Terrence na ipinagtaka ko.
"Sir ano po ang gagawin ko bukas dito?" Takang tanong ko
Lahat naman kami nakatingin sa kanya at hinihintay ang isasagot niya.
"Bumalik kana dito. Magtrabaho kana ulit dito" sagot nito at nakipaglaban ng titigan sa'kin. Hindi parin ako makapaniwala sa narinig ko kaya hindi ko alam ang isasagot ko.
"Ano payag kaba maging caregiver ko ulit?" Medyo tumaas ang boses ni Sir Terrence kaya naman parang nagising ako
"Sige na Lizzy pumayag kana!"
BINABASA MO ANG
Baby Big Boss (COMPLETED)
RomanceSi Lizzy Ocampo ay simple lang ang gusto sa buhay yun ay ang mabigyan niya ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Namasukan siya bilang isang caregiver sa isang pamilya at sinwerte naman siya sa kanyang naging amo at itinuring siyang kapamilya. Hin...