Chapter 62

2.2K 48 5
                                    

Lizzy's Pov

Dahil yata sa late na ako nakatulog kagabi kaya tinanghali na ako ng gising. Pagbaba ko ay naabutan ko si Leanna sa kusina at nag aalmusal.

"Akala ko nasa tindahan kana, kagigising mo lang?" Gulat na tanong nito. Pinakita ko naman ang tuwalyang hawak ko.

"Buti bumangon kana? Ang aga pa ah" Sabi ko naman habang naglalakad papunta sa banyo para mag hilamos.

"Maglilinis kasi ako ng bahay ng magkaroon naman akong silbi dito" sagot niya na ikinangisi ko

"Mabuti nalang alam mong wala kang silbi" Sabi ko naman habang nag s-supilyo

"Ay sus! Kayo nga nagsasabi sa'kin na huwag na akong tumulong sa gawaing bahay at isaulo ko nalang ang nervous system"

"Kaya nga so bakit maglilinis ka ngayon? Hindi ka naman namin inuutusan mag linis"
Sabi ko pa

"Feel ko lang maglinis ngayon bakit ba?" Sagot naman nito

"Aminin mo nag away kayo ng jowa mo no?" Panghuhuli ko sa kanya. Kapag kasi may tampuhan sila ni Vincent nagiging masipag siya

"Hindi ah! Walang dahilan para mag away kami trip ko lang talaga maglinis ngayon para magkaroon ako ng peace of mind at pumasok sa utak ko mga sinasaulo ko" sagot niya

"Kung ganoon pagbutihin mo ang paglilinis ng mabawasan trabaho ni Mama" nakangiting sabi ko at lumabas na sa banyo. Nginitian ko pa siya ng madaanan siya bago muling umakyat sa kwarto ko para magpalit ng damit.

Paglabas ko ng bahay ay agad hinanap ng mga mata ko si Terrence at ang sasakyan niya. Hindi ko naman siya nakita malamang umalis din ito kagabi.

"Gising naba ang kapatid mo?" Salubong na tanong sa'kin ni Mama

"Oo Ma iniwan ko siyang nag aalmusal sa kusina, sabi pa nga niya maglilinis daw siya ng bahay" sagot ko

"Aba himala! Nasarapan yata sa almusal niya at naisipan niyang maglinis. Ikaw ba kumain na?" Tanong niya

Umiling naman ako.

"Nagmamadali kasi akong pumunta dito dahil baka maraming bumibili, marami na bang benta?" Tanong ko naman

"Eh bakit ba kasi ngayon ka lang nagising? Huwag mong sabihin sa'kin nagpa apekto ka kay Terrence at hindi nakatulog kaya't napuyat ka?" Panghuhuli sa'kin ni Mama

"Mama! Napa sarap lang tulog ko! Bumabawi lang katawan ko nung nakaraan na nag repack tayo" dahilan ko sa kanya kahit totoo naman ang nahula niya.

"Bakit nagagalit ka nagtatanong lang naman ako" Sabi naman nito

"Hindi ako galit Ma nagpapaliwanag lang" Sabi ko naman at pumasok sa loob ng sari sari store at kumuha ng isang monde mamon.

"Ayos naba sa'yo 'yan? Eh kung bumalik ka nalang muna sa bahay at mag almusal? Tatawagan nalang kita kapag marami ng namimili"

"Okay na'to Ma, kapag hindi ako nabusog sa isa edi kukuha pa ako hanggang sa nabusog ako" nakangiting sabi ko. Alam namin kung gaano kalakas kumain

Habang nagpupunas ako ng mga estante at delata sa tindahan ay siya namang dating ni Leanna. Nakasimangot ito at dala ang kanyang laptop.

"Bakit nandito ka? Ang sabi ng ate mo maglilinis ka raw?" Tanong ni Mama kay Leanna. Dumiretyo lang si Leanna sa counter at inilapag ang dalang laptop sa mesa.

Baby Big Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon