Lizzy's Pov
Dahil siguro hindi ako nagpapa sindak sa kagaspangan ng ugaling pinapakita niya medyo nagbago narin ang pakikitungo sa'kin ni Sir Terrence. Medyo lang, kasi hindi naman niya talaga ako kinakausap pero hinahayaan na niya akong pumasok sa kwarto niya at magligpit ng mga kalat niya. Magsasalita lang naman siya kapag nakikipagtalo sa'kin kapag kakain na siya, paulit ulit lang din naman sinasabi niya yung 'umalis kana o lumabas kana' at sure ako sinasadya niyang hindi inumin ang mga gamot at vitamins niya.
Sa ngayon hinahayaan ko lang siya kasi wala din naman magiging epekto yung gamot niya dahil sa paglalasing niya. Oo naglalasing siya mula umaga hanggang gabi, wala siyang pinipiling oras. Walang pahinga ang bibig niya sa pag inom ng alak na kung langgukin ang isang bote ay parang soft drinks lang. Hinahayaan ko siya kasi hindi ko naman siya kayang pigilan, pero mamaya susubukan kong pigilan at pagsabihan siya baka sakaling makinig na.
Pagpasok ko sa kwarto niya ay nagkagulatan pa kami dahil siya namang labas niya ng banyo, buti nalang cart ang dala ko ngayon kung hindi baka natapon na ang sabaw sa pagkagulat ko.
"Hindi kaba marunong kumatok?!" Pasigaw na sabi niya. Kung dati nanginginig na ako sa takot at hindi makapag salita ngayon ay taas noong sumagot at sinalubong pa ang tingin niya.
"Kumatok ako hindi mo lang narinig dahil nasa banyo ka" sagot ko sa kanya at pumunta sa maliit na mesa niya at inilagay ang mga pagkain niya. "Kumain kana habang mainit itong sabaw" Sabi ko at walang sabing lumapit sa kanya at itinulak ang wheelchair niya papunta sa mesa. "Ubusin mo ang kaya mong ubusin babalik nalang ako mamaya" sabi ko pa sa kanya bago umalis at lumabas sa kwarto niya.
Mga isang oras rin hinintay ko bago bumalik sa kwarto ni Sir Terrence. Tapos na siyang kumain at ngayon ay umiinom na naman. Umiiling na iniligpit ko nalang ang halos hindi niya nagalaw na pagkain at lumabas na ng kwarto.
Naging abala ako sa panonood ng tv kasama sina Manang ng dumating si Sir Llyod. Ilang beses na siyang pumunta dito pero ni minsan hindi siya hinarap ni Sir Terrence.
Nasa likuran ko si Sir Llyod ng kumatok ako sa kwarto ni Sir Terrence. Kasabay ko siyang pumasok at dinatnan namin na umiinom ang taong gusto niyang makausap. Nanlilisik ang mga mata niyang tumingin sa'min ngunit binalewala ko iyon at lumapit sa kanya.
"Sir gusto ka daw makausap ni Sir Llyod" sabi ko. Tumingin naman ako kay Sir Llyod na nakatayo lang at nakamasid sa amin kung saan ko siya iniwanan.
"Lumabas kana at isama mo siya wala akong gustong makausap gusto kong mapag isa" mariin na sabi nito at tinungga ang alak na hawak niya sa harapan ko
"Sige na Lizzy lumabas kana" napatingin ako kay Sir Llyod na naglakad palamit sa'min. Binagsak naman ni Sir Terrence ang hawak niyang alak sa side table nito at masamang tinignan si Sir Llyod
"Umalis na kayo habang nakakapagtimpi pa ako" Sabi ni Sir Terrence na nakatingin kay Sir Llyod
"Sige na lumabas kana ako na ang bahala sa kanya" Sabi ni Sir Llyod na hinawakan pa ang braso ko at tumango tango sa akin habang diretyong nakatingin sa'kin. Tumango naman ako sa kanya at humakbang palayo
"Ano na naman ba ang gusto mo? Pagkatapos mong kunin si Yndra sa'kin gusto mong kunin din si Lizzy sa'kin? Kunin mo sa'yo na siya! Ibalik mo lang si Yndra sa'kin!" Hindi pa ako nakakalabas ng kwarto ng marinig ko ang mga sinabi ni Sir Terrence. Para akong sinaksak ng maraming beses sa likod. Kagat ang ibabang labi habang nakahawak sa door knob at nakikinig sa paguusap nila.
"Bro hindi ko kinuha si Yndra sa'yo si Yndra ang nagdesisyon umalis!" Malakas na sabi ni Sir Llyod "Huwag kang mag alala hindi ko aagawin sayo si Lizzy pero sa pinapakita mo ngayon any time soon may aagaw na iba sa kanya. Napakabait ni Lizzy hindi niya deserve itong ginagawa mo sa kanya!"
BINABASA MO ANG
Baby Big Boss (COMPLETED)
RomanceSi Lizzy Ocampo ay simple lang ang gusto sa buhay yun ay ang mabigyan niya ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Namasukan siya bilang isang caregiver sa isang pamilya at sinwerte naman siya sa kanyang naging amo at itinuring siyang kapamilya. Hin...