Chapter 34

2.2K 42 0
                                    

Terrence Pov

Nakatukod ang dalawang kamay ko sa kama habang yakap yakap ako ni Lizzy. Ilang minuto rin kaming nasa ganoong posisyon habang umiiyak siya at nagpapasalamat. Gusto ko sanang yakapin din siya at patahanin ngunit kapag ginawa ko iyon ay mawawalan kami ng balanse at mapapahiga, kaya minabuti ko nalang na siya nalang ang yumakap sakin.

"Sorry Sir nabasa ko ang damit mo" Sabi nito ng humiwalay siya ng yakap at punasan ang sariling mga mata

"Ayos lang, ano okay kana?" Nakangiting tanong ko. Tumango naman siya at umiling din na ikinakunot ko ng noo. Okay ba siya o hindi?

"Hindi ako makapaniwala Sir parang nananaginip lang ako" bumilis ang pagtulo ng luha niya kaya naman ako na nagpunas ng mga iyon

"Huwag ka ng umiyak kung hindi babawiin ko ang sinabi ko" Sabi ko. Mabilis naman siyang umiling at nagkusang punasan ang mga luha niya at malapad na ngumiti.

"Wala ng bawian Sir ah! Mag promise ka!" Utos nito na ikinatawa ko

"May isang salita ako pero kung hindi naman niya deserve yung scholarship hindi ko siya tutulungan kahit kapatid mo pa siya. Ang mga tinutulungan lang kasi namin ay yung mga kulang sa financial at masisipag mag aral. Kapag may bad record din tulad ng palaaway o nambubully di namin tinutulungan kahit matalino pa"

"Sir kahit ipa imbestiga ipa background check mo kapatid ko wala kang makikitang bad record sa kanya. Mula pagkabata Sir lagi siyang nasa honor list, kung pinapatawag man kami sa school hindi dahil may ginawa siyang mali kundi I congratulate lang kami dahil sa pagiging matalino niya. Wala yung oras para makipag away ako lang yung binubully niya pero lambing lang naman niya yun sa'kin" kwento nito

"Alright malalaman din natin yan" tumatangong sabi ko. Nagpakawala naman ito ng abot matang ngiti

"Promise Sir pagbubutihin ko pa trabaho ko" Sabi nito na lumipat ng pagkakaupo at minasahe ang balikat at likuran ko

"Sige na mag kwento ka pa" Sabi ko pa

"Sige sige Sir" tumawa pang sabi niya "huwag mokong tatawanan ah ito kasi yung pinaka nakakahiyang nangyari sa buhay ko" sabi pa niya na tumigil sa pagmamasahe sa balikat ko

"Ikwento mo nalang gusto kong malaman, tsaka na ako tatawa kung nakakatawa nga ba"

"Third year high school ako noon pauwi na kami, kaso ang lakas ng ulan at wala akong payong. Yung kaibigan ko na lagi kong kasabay umuwi wala rin dalang payong kaya nakisabay nalang din siya sa ibang kaklase namin na may payong. Ganoon din sana gagawin ko kaso karamihan samin walang dalang payong at isa ako sa mga natira sa classroom na walang payong. So ang ginawa ko naghintay ako tumila yung ulan at tumakbo ako palabas ayoko rin kasing abutan ng dilim doon lalo na't puro lalaki nalang nandoon. So ayun nga tumakbo ako kaso nadulas ako at ang daming nakakita. Nahirapan pa nun akong tumayo kasi ang sakit ng pwet ko tapos para akong basang sisiw na basang basa talaga. Naka uniform nun ako at ang linaw ng blouse ko na dumidikit sa katawan ko kaya itatakip ko sana yung bag ko sa katawan ko kaya lang naunahan ako ni Benedict na pulutin yung bag ko at siya na nagdala habang magkasukob kami sa payong. Gusto ko sana kunin sa kanya yung bag ko nun kaso wala akong ibang nasabi kundi thank you. Simula noon naging crush ko na siya at simula din noon hindi ko na siya kinausap nahihiya na kasi ako nun sa kanya at ligaw tingin nalang ginagawa ko" kwento niya

Baby Big Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon