Chapter 54

2K 37 0
                                    

Lizzy's Pov

"Oh! Akala ko ba hindi ka uuwi? Teka, may problema ba anak?" Tanong ni Mama ng pagbuksan niya ako ng pintuan

"Hala! Bakit dala mo yata lahat ng gamit mo?" Salubong naman ni Leanna sa'kin

Malungkot na nginitian ko sila at niyakap. Naiiyak ako pero mukhang naubos na ang mga luha ko kaya wala ng bumagsak.

"Okay ka lang ba? Nag away ba kayo ni Terrence?" Tanong ni Mama

"Ayos lang po ako atsaka hindi kami nag away" nakangiting sabi ko tsaka naglakad para makaupo sa sofa

"Eh bakit namamaga yang mga mata mo? Halatang kakagaling mo lang sa pag-iyak" pansin pa ni Mama sa mga mata ko

"Kaya nga, tapos dala pa niya mga gamit niya" Sabi naman ni Leanna

"Umalis na ako sa trabaho ko" Sabi ko sa kanila. Mukha silang nagulat sa sinabi ko dahil natigilan sila at nakatingin lang sa'kin "pero huwag kayong mag alala makakahanap din ako ng bagong trabaho" pilit akong ngumiti

"Naghiwalay ba kayo ni Terrence? Pinaalis ka nila kasi hiwalay na kayo ganoon ba?" Puno ng pag aalalang tanong ni Mama

"Hindi nila ako pinaalis ako ang kusang umalis" sagot ko kay Mama at pilit na ngumiti

"Ang kawawa kong anak" sambit ni Mama sabay yakap sakin at umiyak. Nakita ko naman si Leanna na tumitingin sa taas para mapigilan ang mapaluha.

"Hindi ako kawawa kasi kasama ko kayo at masaya ang pamilya natin" Sabi ko na gumanti ng yakap habang pinipigilan ang pag iyak

"Tama ka kaya huwag mo na silang iisipin. Kung ano man ang dahilan ng paghihiwalay niyo ni Terrence ipag pasa Diyos mo nalang. Marami pa naman ibang lalaki na siguradong magkakagusto sayo at mamahalin ka maging sino kapa" sabi ni Mama na pinunasan ang ilang butil ng luhang kumawala sa mga mata ko

"Huwag kayong magagalit kay Sir Terrence kung bakit kami humantong sa hiwalayan. Wala siyang kasalanan ako ang sumuko sa relasyon namin at nakipag hiwalay" Sabi ko

"Ano bang nangyari bakit ka nakipag hiwalay sa kanya? Ang sabi mo sa'min may sakit siya kaya hindi ka nakakauwi tapos ngayon gugulatin mo kami at sasabihing hiwalay na kayo?" Sabi naman ni Leanna

"Masyadong mahaba at magulo at ayoko narin namang isipin pa ang mga nangyari kaya kalimutan nalang natin. Isipin niyo nalang na hindi natin siya kilala" Sabi ko

"May third party no?" Tanong pa ni Leanna

"Hmm.. parang ganoon na nga pero hindi na iyon mahalaga gusto ko nalang makalimutan siya kaya please lang huwag mo nalang siyang babanggitin" sagot ko sa kanya

"Kahit naman kasi lumpo siya gwapo parin siya at mayaman kaya siguradong marami parin ang nagkakagusto sa kanya. Pero aanhin mo yung kagwapuhan at kayamanan niya kung hindi naman siya loyal" Sabi ni Leanna

Hindi nalang ako nagsalita kahit gusto kong sabihin kay Leanna na sobrang loyal ni Sir Terrence. Sa sobrang loyal niya gugustuhin niyang maging miserable at malungkot ang buhay niya.

*****

Walang gabi na 'di ako umiyak dahil naaalala ko parin siya. Kahit ayoko siyang isipin bigla siyang sumusulpot sa utak ko. Aminado naman ako na mahal ko parin siya ngunit kailangan ko ng makalimutan siya. Gusto ko na siyang malimutan para bumalik na sa normal ang buhay ko.

Baby Big Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon